Mikee tanggap na kung hindi sila magka-baby ni Alex: 'Masayang-masaya na ako 'pag tayong dalawa lang, bonus na lang sa akin ang baby' | Bandera

Mikee tanggap na kung hindi sila magka-baby ni Alex: ‘Masayang-masaya na ako ‘pag tayong dalawa lang, bonus na lang sa akin ang baby’

Ervin Santiago |November 06,2023
facebook
share this

Mikee tanggap na kung hindi sila magka-baby ni Alex: ‘Masayang-masaya na ako ‘pag tayong dalawa lang, bonus na lang sa akin ang baby’

Ervin Santiago - November 06, 2023 - 01:05 PM

Mikee tanggap na kung hindi sila magka-baby ni Alex: 'Masayang-masaya na ako 'pag tayong dalawa lang, bonus na lang sa akin ang baby'

Mikee Morada at Alex Gonzaga

KUNG may isang bagay na gustong ipagpasalamat ngayon si Alex Gonzaga, yan ay ang pagkakaroon ng asawang tulad ni Mikee Morada.

Feeling lucky and blessed ang actress-TV host at vlogger dahil grabe ang ibinibigay na suporta sa kanya ni Mikee, lalo na sa mga pinagdaanan niya sa kanilang pregnancy journey.

Sa latest vlog ng kapatid niyang si Toni Gonzaga titled “Toni Talks”, binalikan ni Alex ang mga naging kaganapan nang subukan nila ng asawa na magkaanak sa pamamagitan ng in vitro fertilization o IVF.

Ngunit sa kasamaang-palad, nagkaroon uli ng miscarriage ang aktres sa ikalawang pagkakataon.

Kuwento ni Alex, “Nu’ng time na iyon kasi naisip ko talaga na I’m so pressured na. Pressured na ko sa mga tao na, ‘Uy, hindi pa ba manganganak iyan?’ Tapos siyempre, yung nangyari sa akin this year du’n sa birthday ko (na-bash dahil sa pagpahid ng cake sa mukha ng food server).

“So, parang every time na may nami-meet ako sasabihin na parang, ‘Ah, mabait ka naman pala,’ na parang sabi ko, ‘Ba’t kaya naging ganun yung connotation sa akin this year?’

“So, parang naaano lang ako na, ‘Sana Lord, ang sakit nung mga napagdaanan ko. Sobrang sakit sana may maganda namang balik.’ Baka ito (mabuntis) na,” pagbabahagi ni Alex kay Toni.

Baka Bet Mo: Mikee Quintos nagtapat ng feelings kay Alden Richards noon: Hindi siya something na ikakahiya ko

Inamin ng content creator na hindi rin naging madali ang pinagdaanan niya nang subukang magka-baby via IVF, lalo pa nang malaman nila ni Mikee na hindi pa rin ito umubra.

Binalikan ni Alex ang araw nang malaman niyang sumablay ang IVF procedure na ginawa nila ni Mikee. Aniya, talagang super pray siya kay Lord at sinabing tatanggapin niya kahit ano ang maging resulta.

Talaga raw sinubukan niyang maging matapang sa harap ni Mikee. Sabi nga raw niya sa asawa, “Okay na ako bukas. Hindi man matuloy yung pregnancy natin, okay na ako.

“Tapos, sabi ni Mikee sa ‘kin, ‘Iyon lang naman inaantay ko, e. Kung okay ka, okay ako.’ Tapos, sobrang saya niya niyakap niya ako!

“Tapos, the next day, ang prayer ko na kay Lord, e, ‘Lord, please, kapag hindi maganda yung news be with me. Sana samahan niyo ako, Lord. Hindi ako masasaktan, hindi ako malulungkot. Hawakan niyo ako, yung maramdaman ko na nandun kayo,'” pahayag pa ni Alex.

Tandang-tanda rin ni Alex yung eksenang in-ultrasound siya para malaman kung may nabuo nang baby sa kanyang sinapupunan. Bini-video pa raw siya ni Mikee that time.

At nang wala raw makitang sign of life sa kanyang tummy, ibinaba na raw ni Mikee ang cellphone nito at itinigil na ang pag-video.

Pagpapatuloy ni Alex, “Siyempre ano ka na noon, ‘Wala talagang makita, tingnan mo sa kaliwa, Doc.’ Tapos, pagtingin ko sa kanya kita ko yung mukha niya na talagang sad siya.

Baka Bet Mo: Dasal ni Alex mula nang maging dyowa si Mikee: Lord, wag n’yo na pong pakialaman lovelife ko…

“Pero nu’ng nakita na niya yung mukha ko na, siyempre, nagwu-worry din ako, pagtingin ko sa kanya (nag-thumbs up) siya,” aniya pa.

Pagmamalaki pa ni Alex sa kanyang husband, “Si Mikee parang puwede nang bigyan ng (award), napakabait kasi. Sabi ko, ‘Mikee, sorry, hindi na naman natuloy.’

“‘Ano ka ba, huwag ka mag-sorry, dami pa nating embryo, go lang.’ Hindi siya nagpapakita sa akin ng kalungkutan.

“Siyempre minsan nalulungkot din ako kasi sasabihin ni Mikee sa akin, ‘Alam mo ang saya-saya ko kahit tayong dalawa lang.’ Pero siyempre naiinis ako sa kanya kasi ba’t niya naman sasabihin yun pero…zabi niya, ‘Alam mo, sa totoo lang, masaya na ako.’

“Kasi, di ba ipagluluto ko siya ng pagkain, sasabihin niya, ‘Masayang-masaya na ako pag tayong dalawa lang. Sobrang bonus na lang sa akin yung baby.’

“So parang pag naiisip ko, naiiyak ako kasi parang andun na siya sa ganung level, e. Sabi niya, ‘Masakit mag-expect kaya okay ako kung itong ibigay sa atin ni Lord, okay na ko.’

“Very supportive siya talaga, e. Pero hindi niya pinapakita sa akin yung emotions niya. Pero ang pinakanakita ko kay Mikee is talagang partner siya na hindi niya talaga ipaparamdam na kasalanan mo. Kasama mo talaga siya,” lahad pa ni Alex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang ikinasal sina Alex at Mikee noong November 11, 2020, sa mismong bahay ng Gonzaga family sa Taytay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending