Dasal ni Alex mula nang maging dyowa si Mikee: Lord, wag n'yo na pong pakialaman lovelife ko... | Bandera

Dasal ni Alex mula nang maging dyowa si Mikee: Lord, wag n’yo na pong pakialaman lovelife ko…

Ervin Santiago |April 11,2021
facebook
share this

Dasal ni Alex mula nang maging dyowa si Mikee: Lord, wag n’yo na pong pakialaman lovelife ko…

Ervin Santiago - April 11, 2021 - 09:40 AM

“NA-INSPIRE talaga niya ako para maging mabuting tao!” Yan ang ipinagdiinan ni Alex Gonzaga patungkol sa kanyang asawang si Mikee Morada.

Ibinandera ng TV host-actress sa buong universe kung gaano siya kaswerte at kasaya ngayon sa piling ng husband niya na kung ilarawan nga niya ay halos perfect na.

Sa vlog ng celebrity cosmetic surgeon na si Vicki Belo nagkuwento si Alex kung paano siya naghintay sa pagdating ng kanyang “the one” at kung paano binago ni Mikee ang ugali niya at pananaw sa buhay.

Ayon kay Alex, dapat matutong maghintay sa tamang tao na ibibigay ng Diyos sa atin, at huwag ipilit ang isang relasyon kung hindi na talaga ito nagwo-work.

“Ang lesson talaga kung alam mong hindi para sa ‘yo, lalo na kapag may relationship ka with the Lord, kakatukin talaga Niya ang heart mo, ‘hindi para sa ‘yo yan.’ Pero since matigas ang ulo natin and may free will tayo, pinipilit natin,” paliwanag ng TV host at vlogger.

Punto pa ng kapatid ni Toni Gonzaga, ang mga rejection at pagkabigo sa pag-ibig ay isang proteksyon mula sa Diyos para sa pagdating ng taong talagang inilaan para sa yo.

“Because love tayo ni Lord, nire-reject nila tayo because it’s His protection. Kaya nila tayo nilalayuan para dumating na ‘yung para sa atin,” sey pa ni Alex.

“Nu’ng dumating na si Mikee, wala na, may peace na ako sa mind. Kapag nga nagdarasal ako sa church, ‘Lord, huwag n’yo nang pakialaman ang lovelife ko,’” birong pahayag pa ng aktres.

Dugtong pa niya, “Sabi ko nga noon, if I find someone kahit ano pang klase ng estado ng buhay niya, kahit hindi siya pasok sa qualifications ko, pero kapag nag-pray ako tapos walang nagsasabi sa akin na he’s not the man for you, then that’s the guy for me — kay Mikee ‘yon.”

Pag-alala pa niya noong hindi pa sila kasal ni Mikee, “Tinuturuan niya ko na maging good girlfriend. Dapat pala marunong ka mag-compromise, hindi ko pa nari-realize yun until I met Mikee.

“Na-inspire talaga niya ko para maging mabuting tao. Dati, ‘yung iba they bring out the worst in me. Pero si Mikee talaga, parang lagi ka niyang ire-remind tapos sa loob mo magiging mabuti ka na lang,” sey pa ni Alex.

Sa nasabi ring video nagkuwento ang isa sa mga Pinoy celebrity na may pinakamaraming subscriber sa YouTube tungkol sa kanyang married life at sex life.

“Sobrang sarap makasal, sa totoo lang. Kasi every night, there’s a swab test,” natatawang chika ni Alex.

Pero nang tanungin ni Vicki Belo kung gaano sila kadalas mag-sex ng kanyang mister, “Minsan tinatamad ako. Inaantok ako Mikee, pwede bang bukas na lang?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabanggit din niya na hindi pa nila priority ang magka-baby, “Wala pa kaming plano ni Mikee kasi ini-enjoy pa lang namin yung isa’t isa. Kung kailan ibigay ni Lord kasi wala naman kaming contraceptive.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending