Mikee Quintos nagtapat ng feelings kay Alden Richards noon: Hindi siya something na ikakahiya ko | Bandera

Mikee Quintos nagtapat ng feelings kay Alden Richards noon: Hindi siya something na ikakahiya ko

Therese Arceo |October 03,2023
facebook
share this

Mikee Quintos nagtapat ng feelings kay Alden Richards noon: Hindi siya something na ikakahiya ko

Therese Arceo - October 03, 2023 - 08:54 AM

Mikee Quintos nagtapat ng feelings kay Alden Richards noon: Hindi siya something na ikakahiya ko

BUONG tapang na ibinahagi ng Kapuso actress na si Mikee Quintos na nag-confess siya ng tunany niyang nadarama kay Alden Richards.

Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, October 2, kasama ang kanyang bestfriend na si Mikoy Morales, natanong siya sa segment na “Talk or Dare” kung naranasan na niyang umasa na magkaroon ng relasyon sa isang co-star.

Tila inisip pa ni Mikee nang maigi ang kanyang desisyon kung itsi-chika ba niya ito o hindi ngunit sa huli ay pinili na niya itong i-spill kung sasagutin naman ni Makoy kung sinong artista ang nakaalitan nito.

Sinagot ni Mikoy ang tanong kaya kailangan ring sagutin ng aktres ang tanong sa kanya ng King of Talk.

“Alam naman ni Paul ito,” panimula ni Mikee.

Hirit pa niya sa mga tao sa audience, “Huwag n’yo kong tine-test. Matapang ako.”

Baka Bet Mo: Paul Salas may pangako kay Mikee Quintos: Aalagaan kong hindi mawawala ang ngiti mo…

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Amin ni Mikee, umasa siyang magkakaroon sila ng relasyon noon ni Alden Richards at alam daw ito mismo ng kanyang bestfriend na si Mikoy dahil magkakasama sila sa iisang tent.

“Ito ba’y resolved na?” sundot ni Tito Boy.

Sagot ni Mikee, “Yes, we talked about it. Okay naman, we’re good friends pa rin.”

Chika pa niya, “Buong show, imagine niyo po, magkaka-tent kami, kaming tatlo (turo kay Mikoy). And nakilala ko yung pagkatao niya na sweet siya, mabait siya, kung gaano ka-genuine, sobrang God-fearing. And I just had to try to express whatever I was feeling, I couldn’t explain it so I did express, but it wasn’t reciprocated.”

Sey pa ni Mikee, diretsahan raw niyang sinabi ang feelings kay Alden at naging lesson naman ang nangyari sa kanya.

“Sinabi ko yon straight up. I think, ngayon nakikita ko na ang worth ng tapang ko. Hindi siya something na ikakahiya ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang sarap din, I grew from it, I learned a lot from it. It’s an experience,” hirit pa ni Mikee.

Related Chika:
Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: ‘Na-bother ako, nainis pero normal naman ‘yun sa magkarelasyon’

Paul Salas sasabak sa lumang tradisyon ng panliligaw para mapasagot si Mikee Quintos: Kung pwede nga haharanahin ko rin siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending