Paul Salas sasabak sa lumang tradisyon ng panliligaw para mapasagot si Mikee Quintos: Kung pwede nga haharanahin ko rin siya | Bandera

Paul Salas sasabak sa lumang tradisyon ng panliligaw para mapasagot si Mikee Quintos: Kung pwede nga haharanahin ko rin siya

Ervin Santiago |May 24,2022
facebook
share this

Paul Salas sasabak sa lumang tradisyon ng panliligaw para mapasagot si Mikee Quintos: Kung pwede nga haharanahin ko rin siya

Ervin Santiago - May 24, 2022 - 06:44 AM

Paul Salas at Mikee Quintos

KUNG mabibigyan ng pagkakataon, nais haranahin ni Paul Salas ang Kapuso young actress na si Mikee Quintos bilang bahagi ng kanyang panliligaw sa dalaga.

Diretsahan nang inamin ng hunk actor na nagdi-date sila ni Mikee at matagal-tagal na rin niyang sinusuyo ang aktres para makamit ang matamis nitong “oo.”

Last week nagsimulang kumalat ang chika na nagkakamabutihan na raw ang dalawang Kapuso stars dahil nga napapadalas na ang pagpapalitan nila ng sweet messages sa social media.

Sa podcast na “Suprise Guest With Pia Arcangel”, inamin ni Paul ang real score sa pagitan nila ni Mikee. Aniya, nagsimula siyang manligaw sa aktres pagkatapos ng pinagsamahan nilang serye na “The Lost Recipe.

“After lang, doon kami nagkaligawan, doon lang kami sa papunta ng dating side na.

“Nakita lang din namin ang connection namin na minsan, pag sa taping nag-uusap kami ang tagal na pala, hindi na namin alam, ganu’n,” pahayag ng binata.

Hindi naman daw niya pinu-push nang bongang-bongga si Mikee para sagutin siya agad dahil naniniwala siya sa kasabihang, “slowly but surely.”

“Hindi kami nagmamadali, kumbaga gusto namin sure na. Kumbaga, pa-25 na po ako, so gusto ko, parang kung ito naman, gusto ko ito na yung last,” sabi ni Paul sa nasabing panayam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikee Quintos (@mikee)


Gusto rin daw niyang sundin ang lumang tradisyon ng ligawan, “Gusto ko kung liligawan ko siya, gusto ko makilala agad ang parents niya, ipaalam na manliligaw ako, ipaalam na gusto ko yung anak nila, ganu’n.

“Nasa ganu’ng side pa rin po ako, nasa may old-school type na parang kung puwede nga lang haharanahin ko rin siya, e,” sabi pa ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan at kung hindi kami nagkakamali, ang huling lantarang nakarelasyon ni Paul ay ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Paul Salas napahiya sa taping, gusto na sanang mag-quit sa showbiz: Sabi ko, ayoko na!

Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending