'Pulang Araw' star Jay Ortega na-bully sa Japan; naging janitor

‘Pulang Araw’ star Jay Ortega na-bully sa Japan; nagtrabaho bilang janitor

Ervin Santiago - February 24, 2025 - 06:00 AM

'Pulang Araw' star Jay Ortega na-bully sa Japan; nagtrabaho bilang janitor

Jay Ortega

BIKTIMA rin ng bullying ang Kapuso actor na si Jay Ortega noong manirahan at mag-aral siya sa Japan sa loob ng limang taon.

Nakatikim ng pambu-bully si Jay mula sa mga kaklase niyang hapon sa school na pinasukan sa Japan noong 12 years old pa lamang siya.

Kuwento ni Jay, na unang nakilala bilang si Akio Watanabe sa hit Kapuso drama series na “Pulang Araw”, hindi talaga naging madali ang naging buhay niya sa Japan kasama ang magulang at mga kapatid

Sa panayam ng cooking talkshow ng GTV hosted by Mikee Quintos, nanirahan siya sa Japan mula noong 11 years old siya hanggang 16.

“Naka-experience din ako ng bullying. Yung mga na-experience ko lang naman is medyo physical. Walang words. Parang pagtitripan ka lang bigla kasi ibang lahi ka, e,” pahayag ni Jay.

Baka Bet Mo: O, ayarn…Kathryn, Daniel naglabas na ng ‘resibo’ para patunayang hindi naghiwalay; magka-date ngayon sa Japan

Pero aniya, naging mabilis naman daw ang ginawang aksyon ng mga namamahala sa kanilang school nang isumbong niya ang ginagawang pambu-bully sa kanya nang dahil sa cultural differences.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jay Ortega (@ortegajay_)


Naibahagi rin niya na bukod sa pagtatapos ng high school sa Japan, hinding-hindi rin niya makakalimutan ang pagtatrabaho roon bilang part-time factory worker at janitor sa isang ospital habang nag-aaral.

“Kasi ‘yung classes ko before sa Japan starts at 5 p.m. to 9 p.m. Panggabi ‘yung class ko, so simula 9 a.m. hanggang 3 p.m., nagpa-part time ako,” pagbabalik-tanaw ni Jay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending