O, ayarn...Kathryn, Daniel naglabas na ng 'resibo' para patunayang hindi naghiwalay; magka-date ngayon sa Japan | Bandera

O, ayarn…Kathryn, Daniel naglabas na ng ‘resibo’ para patunayang hindi naghiwalay; magka-date ngayon sa Japan

Ervin Santiago |November 01,2022
facebook
share this

O, ayarn…Kathryn, Daniel naglabas na ng ‘resibo’ para patunayang hindi naghiwalay; magka-date ngayon sa Japan

Ervin Santiago - November 01, 2022 - 02:54 PM

Kathryn, Daniel naglabas na ng 'resibo' para patunayang hindi naghiwalay; magka-date sa Japan

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Joshua Garcia, Ria Atayde, Zanjoe Marudo, Robi Domingo at Maiqui Pineda

SIGURO naman, titigil na ang mga taong walang magawa na siyang nagpapakalat ng tsismis na hiwalay na rawang Kapamilya couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nakakaloka nga dahil halos lahat yata ng mga nakakausap namin in and out of showbiz ay nagma-Marites at nagtatanong kung totoo bang break na sina Kath at Daniel.

Iisa lang ang isinasagot namin sa kanila, imposibleng mangyari yan dahil saksi kami sa sobrang kaswitan ng madyowa sa finale presscon ng kanilang hit series na “2 Good 2 Be True.”

At para matahimik na rin ang milyun-milyong KathNiel fans all over the universe, naglabas na ng “resibo” at ebidensiya sina Daniel at Kathryn na walang katotohanan ang chikang hiwalay na sila.

Magkasama ngayon ang celebrity couple sa Japan with their friends para doon mag-celebrate ng Holloween. Ilan sa mga ka-join ng KathNiel sa Japan ay sina Joshua Garcia, Ria Atayde, Zanjoe Marudo at Robi Domingo.

Sa Instagram ni Robi makikita ang ilang litrato kung saan kasama niya ang girlfriend na si Maiqui Pineda at ang KathNiel. May caption itong, “Halloween Night Out.”

Bukod pa riyan ang mga litratong ipinost nina Joshua at Zanjoe sa kani-kanilang social media accounts kung saan makikita ang kanilang tropa sa ilang magagandang lugar sa Japan.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Kathryn sinabi nitong pinaghandaan talaga niya ang pagbabakasyon nila sa Japan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)


“Two years akong hindi nakapag-Halloween. Sine-celebrate talaga namin ang Halloween. I will be with Ria, Zanjoe, Joshua, ako and DJ. Basta ang sabi lang namin, pagka-spend namin ng Halloween, kakain lang kami doon.

“Kaya ako nagpapayat para sa trip na iyon. After eating, iikot lang kami, mag-e-enjoy lang na walang schedule na iniisip.

“Kailangan, eh. One year kasi, nag-9 cycles kami sa locked-in taping so we really need this break,” sabi pa ng dalaga.

Nauna rito, dinenay na rin ng nanay ni DJ na si Karla Estrada na naghiway na ang kanyang anak at si Kathryn na nagsimula nga sa magkaibang pananaw ng magdyowa sa isyu ng “loyalty.”

Samantala, makikita nga sa IG page ni Joshua ang paglilibot ng kanilang grupo sa ilang tourist spots sa Tokyo, Japan, kabilang na riyan ang mga dinadayong restautant doon ng mga turista.

Matatandaang last month lang ay ipinagdiwang ni Joshua ang kanyang 25th birthday kasama ang malalapit niyang mga kaibigan, kabilang na nga riyan sina Daniel at Kathryn.

Chika ng binata nang tanungin kung bakit super close siya sa KathNiel, “Sila kasi yung nandu’n sa akin nu’ng time na nag-pandemic at nakakulong lang lagi ako sa kuwarto.

“Hindi kasi ako mahilig lumabas. So ang laking tulong na ginawa nila na lumalabas kami, ang dami naming activities na ginagawa and sila rin kasi yung nandiyan nu’ng time na yung time na may problema ako.

“Sila yung nandiyan para sa akin. Hindi sila nawala kahit na aminado ako nawala ako. Sobrang pasasalamat lang at sobrang grateful ako na nandiyan sila para sa akin. I think sobrang suwerte ko na naging kaibigan ko sila,” sabi ng binata.

Kathryn may nadiskubre kay Daniel makalipas ang 11 years bilang magka-loveteam: Mas perfect pa siya sa akin…

Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Daniel, Kathryn may hugot sa lock-in taping: Kapag paulit-ulit na ‘yung ginagawa mo, parang nakakapagod din…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending