Daniel, Kathryn may hugot sa lock-in taping: Kapag paulit-ulit na 'yung ginagawa mo, parang nakakapagod din... Bandera

Daniel, Kathryn may hugot sa lock-in taping: Kapag paulit-ulit na ‘yung ginagawa mo, parang nakakapagod din…

Ervin Santiago |May 14,2022
share this

Daniel, Kathryn may hugot sa lock-in taping: Kapag paulit-ulit na ‘yung ginagawa mo, parang nakakapagod din…

Ervin Santiago May 14, 2022 - 08:33 AM

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

NAGPAKATOTOO ang Kapamilya couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa paglalabas ng kanilang saloobin tungkol sa isang buwang pagsabak sa lock-in taping.

Ito’y para nga sa kanilang primetime television comeback na “2 Good 2 Be True” directed by Mae Cruz Alviar na siya ring nagdirek sa mga blockbuster movie ng KathNiel na “Can’t Help Falling in Love” at “Crazy Beautiful You.”

Pag-amin ni DJ, maraming advantages ang lock-in taping pero may mga ilang disadvantages din para sa mga artistang nasanay na palaging kapiling ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

“Mas more on personal naman ‘yung struggle. Mas more on ‘yung homesick ka na. Tapos siyempre kapag repetitive at paulit-ulit ‘yung ginagawa mo, parang minsan nakakapagod,” simulang pahayag ni Daniel sa panayam ng “Inside News” ng Star Magic.

Dagdag pang chika ng actor at singer, “Iba ‘yung sa kapag nakakauwi ka at least yon puwede kang tumambay saglit sa bahay mo, nakikita mo ang mga kapatid mo, ‘yung pamilya mo. Dito, uwi, trabaho, uwi so minsan aabutin ka.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Ang isa naman daw sa magandang epekto ng lock-in taping, “Okay din naman dahil napapabilis ang trabaho, nakikilala mo ang co-workers mo.

“At sa production din mas okay sa kanila kasi sa oras, ‘yung sa scheduling nila mas nakakatulong,” sey pa ni Daniel.

Halos pareho rin ang katwiran at pananaw ni Kathryn tungkol dito, “So ang hirap din kapag hindi ka masyadong nakakauwi.

“Siyempre may mga days na feeling mo nabe-burnout ka kasi tuloy-tuloy (ang taping),” sey pa ni Kath.

Pero dugtong ng dalaga, mas naging maganda raw ang resulta ng kanilang bubble taping dahil talagang naka-focus lang silang lahat sa kanilang respective work at in fairness, lahat daw ng involved sa production ay super dedicated sa nakaatang na trabaho sa kanila.

Nauna rito, ibinahagi nina Kathryn at Daniel ang ilan sa mga dahilan kung bakit solid na solid pa rin ang kanilang relasyon hanggang ngayon makalipas ang 10 taon nilang pagsasama bilang reel and real life lovers.

Ayon kay Daniel, “Loyalty, compromise, and support for each other” ang tatlong mahahalagang rason kung bakit napapanatili nilang mainit at punumpuno ng pagmamahal ang relasyon nila ni Kathryn.

Mapapanood na ang “2 Good 2 Be True” sa May 16 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel at TV5.

Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

Daniel aminadong nagkamali noon kay Kathryn

Daniel Padilla nakisali sa mural painting para sa Leni-Kiko tandem

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending