Kathryn may nadiskubre kay Daniel makalipas ang 11 years bilang magka-loveteam: Mas perfect pa siya sa akin... | Bandera

Kathryn may nadiskubre kay Daniel makalipas ang 11 years bilang magka-loveteam: Mas perfect pa siya sa akin…

Ervin Santiago |October 10,2022
facebook
share this

Kathryn may nadiskubre kay Daniel makalipas ang 11 years bilang magka-loveteam: Mas perfect pa siya sa akin…

Ervin Santiago - October 10, 2022 - 07:46 AM

Kathryn may nadiskubre kay Daniel makalipas ang 11 years bilang magka-loveteam: Mas perfect pa siya sa akin...

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

KUNG may matatawag talagang tunay na phenomenal loveteam sa mundo ng showbiz, yan ay ang matagumpay na tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Makalipas ang 11 taon, patuloy pa ring namamayagpag ang KathNiel at in fairness, buhay na buhay pa rin ang kanilang nga supporters all over the universe.

Nagsimulang makilala ang loveteam nina Kathryn at Daniel noong 2012 matapos ang matagumpay nilang teleserye na “Princess And I”. At pagkatapos nga nito ay nagsunud-sunod na ang kanilang projects sa ABS-CBN at Star Cinema.

Ang pagmamahalan at pagpapakilig nila sa bawat kuwento ng kanilang mga pelikula at soap opera, ay nauwi rin sa tunay na buhay. Sa katunayan, inamin nina DJ at Kath na napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya.

Sa thanksgiving anniversary dinner para sa kanilang mga fans, sinagot nina Kathryn at Daniel ang tanong  kung ano nga ba ang sikreto ng kanilang super successful na loveteam.

“Basta kami naman ni Deej, parati na iba ang trabaho, iba ang KathNiel, iba rin as Kath and Deej kami na boyfriend and girlfriend ‘yun ang tina-try namin,” ang simulang sagot  ni Kathryn sa isang panayam.

“For how many years na artista kami yes, pero mag-boyfriend and girlfriend kami na parang normal na tao, so nagpaplano kami ng trips, dinner, so kailangan may sense ng normalcy pa rin talaga,” dagdag pang chika ng dalaga.

“Hindi ‘yung basta artista lang kami. And I think nakakatulong ‘yun sa amin. So kung may time kami na gumawa ng mga bagay na hindi trabaho, gagawin namin ‘yun together and may time rin siya alone and may time rin ako alone also,” ani Kath.

Anu-ano ang nakita niyang pagbabago kay Daniel after 11 years of being together as screen partners? “Siguro, ‘yung nakita kong difference kay Deej dati, super chill niya and then parang kung ano ang nangyari, okay lang.

“Tapos ngayon, parang habang tumatanda kami, sobra pala niyang perfectionist sa lahat ng bagay. Pagdating sa ilaw, pagdating sa trabaho, sa lahat dapat perfect and mas perfect pa siya sa akin and bihira ‘yun for a guy.

“So halimbawa may eksena, tapos hindi siya masaya, so hindi siya titigil hanggang hindi niya nabibigay ang tamang emotion ganu’n, e before parang akala ko ‘chill lang’, ‘okay lang’ ngayon hindi na,” pagbabahagi pa ng aktres.

Para naman kay Daniel, “Si Kathryn naman ever since, very professional. Simula noong nagsisimula kami, very professional. And doon rin ako natuto, eh.

“Nakikita ko ang work ethics niya, kung paano siya nagtatrabaho, prepared sa lahat ng kailangan gawin unlike me, before parang dati pagdating ko doon sige bahala na,” sabi pa ni Daniel.

Dagdag pang chika ni DJ, “Pero ‘yun naman ang maganda sa amin dalawa. Iba ang timpla namin, and I think nagko-complement din siya. And ‘yun binigyan talaga ako ni Kathryn ng inspirasyon na nakikita ko talaga ang work ethics na ‘yun.”

Mariin pang sabi DJ, “11 years is not a joke. Doing this together, kaming dalawa, doing the same movies, ‘di ba? All the romances, hindi madaling trabaho ‘yun.

“Well, that’s why, lubos ang pasasalamat namin sa mga fans. Kasi may tendency na manawa ka eh, ‘di ba? But still nandito tayo ngayon, nag-interview tayo nagbabatian tayo ng happy anniversary and happy 11 years,” dagdag pa ni Daniel.

Nagbahagi rin ang Kapamilya couple ng ilang detalye kung paano sila bilang normal couple. Ani Kath,  “Siguro kailangan namin pareho tantyahin ‘yung mood ng isa’t isa especially sa umaga.

“Kasi kunwari, first scene, kailangan bumubuwelo ka pa, kailangan maintindihan niyo rin ang isa’t isa kasi walang ibang makaka-intindi, so kailangan may isang mag-a-adjust.

“So, kung nakita mo na medyo masama ang gising or ako ‘yung masama ang gising, siya ang mag-balance. Kailangan ng ganu’n kasi kung pareho kaming masama ang gising boom! Walang makukunan for the entire day. So kailangan, matutunan mo rin ‘yun,” sabi ng dalaga.

Sabi naman ni DJ, “Kaya rin umabot ang relationship namin ng ganito because it’s not fun and games any more na smile-smile lang kami, nag-a-away rin naman kami.

“Doon sa lock in, kasi may kasamang pagod na rin naman kasi unlike sa bahay, may space, oo nagkikita rin naman kami and hindi naman masama ‘yun.

“Pero kasi, ibang usapan ‘yung may kasamang trabaho may kasama rin na mentally drained, emotionally, physically drained ka na.

“Minsan si Kathryn kapag alam kong bad mood siya, hindi ko naman siya inaano rin, gets ko rin naman ‘yun.

“Kasama talaga ‘yun isang magandang rekados rin kasi ‘yun ng isang relationship, hindi pwedeng isang rekado lang na masaya lang tapos ‘yun na iyon, walang lalim ang relasyon and wala kayong matututunan kapag wala ‘yun,” lahad pa ng binata.

Patuloy namang namamayagpag ngayon ang kanilang hit series na “2 Good 2 Be True” na napapanood sa iba’t ibang Kapamilya platforms at sa Netflix.

https://bandera.inquirer.net/290776/daniel-aminadong-nagkamali-noon-kay-kathryn

https://bandera.inquirer.net/313356/daniel-kathryn-may-hugot-sa-lock-in-taping-kapag-paulit-ulit-na-yung-ginagawa-mo-parang-nakakapagod-din

https://bandera.inquirer.net/312772/kathryn-daniel-ibinandera-ang-isang-dekadang-relasyon-aamin-na-ba-kung-anong-sikreto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/285083/parang-lahat-po-ng-ginagawa-ko-sa-buhay-ko-kinakabahan-ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending