Daniel aminadong nagkamali noon kay Kathryn Bandera

Daniel aminadong nagkamali noon kay Kathryn

Therese Arceo |August 15,2021
share this

Daniel aminadong nagkamali noon kay Kathryn

Therese Arceo August 15, 2021 - 02:49 PM

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo

GAME na game na sinagot ni Daniel Padilla ang mga tanong ni Tito Boy sa kaniyang YouTube channel.

Paglalahad ng aktor, kapag naging ama na siya, sisiguraduhin niyang hindi niya ipe-pressure ang mga magiging anak nito.

Singit naman ni Tito Boy, siguradong hindi papayag si DJ na magsuot ng mini skirts at shorts ang magiging anak.

Hindi ito diretsahang sinagot ni Daniel pero para sa kanya, magiging prinsesa niya ito.

“Magiging prinsesa ko ‘yun kung paano ko alagaan si Kathryn at ‘yung mga kapatid ko,” saad naman niya.

“Pag may gusto silang bagay, focus on that. Paliliparin ko talaga sila, hindi ko sila itatali,” pagpapaliwanag nito sa kung paano niya susuportahan ang magiging anak sa gusto at pangarap nito.

Nang tanungin naman siya kung ano ang mas malala sa pagtataksil, ang sagot nito ay maiwanan ng taong mahal niya.

“Traydurin man ako o i-betray, it’s okay. It’s part of love. It’s part of relationship. Parte ng buhay natin ‘yun.

“Pero ‘yung hindi mo na kayang ibalik kasi nawala na, pinakamasakit,” sagot ng aktor.

Halata ang sinseridad sa sagot nito nang tanungin siya ni Tito Boy kung kaya niyang magpatawad kung sakaling traydurin siya ng taong mahal niya.

“Kapag ako trinaydot at may ginawang mali, kaya kong patawarin ‘yung tao na ‘yun kasi para sa ‘kin rin ‘yun.

“Pag hindi mo ginawa ‘yun, wala. You’d be lost,” saad niya.

Amin rin nito, nangyari na raw ito noong bata pa sila at pinatawad siya ni Kathryn.

“Nagkamali ako before, I was a kid. I was stupid, ‘di ba? Still tinanggap niya ako nang buo,” pagbabahagi niya.

Siyam na taon nang magkarelasyon sina Daniel at Kathryn.

“I’m always excited to see Kathryn,” umpisa ng aktor sa pagkukwento sa relasyon nila ni Kath.

“I’m a ship and she’s my anchor talaga. Kaya ako steady kasi andyan ‘yung Kathryn para sa ‘kin.

“Mahal ko siya at kailangan ko siya,” dagdag pa nito.

Travel rin ang nagpapa-excite sa relasyon ng dalawa lalo na kapag silang dalawa lang ang magkasama.

Saad pa niya, tinuturuan at hinahanda na nila ang isa’t isa dahil malapit na silang mag-settle down. Ayon nga noon sa aktor, nais nitong magpakasal bago umabot ng 30 years old.

Amin rin ni Daniel, makulit siya kaya very healthy para sa kanya na ginagabayan sila ng mga magulang kung ano ang mga dapat gawin at paano maging handa.

Para rin sa kanya, isa sa mga dahilan kung bakit hindi sila nagkakasawaan ni Kathryn ay bukod sa ang aktres na ang “love of his life”, binibigyan rin nila ang isa’t isa ng personal time.

“I think ‘yun din ‘yun, Tito Boy. ‘Wag nating sakalin ang isa’t isa. Hayaan din natin. It’s hard pero we grow together, lalo na sa industry namin,” lahad nito.

Nang tanungin kung sino ang mas seloso, parehas lang raw sila ni Kath.

“Ako seloso ako pero hindi ako nagseselos kay Kathryn kasi alam ko naman walang dating sa kanya ‘yung mga lalaki

“Pag ako nagselos, dun ako badtrip kung sino lumalapit sa kanya. ‘Yun ang kakausapin ko. Hindi ‘yung ‘Bal, layuan mo ‘yang ano na ‘yan”, hindi ako ganon.

“I’ll talk to the guy. ‘Hey, man. That’s too much,” saad nito.

Hanga si Tito Boy dahil hindi ito ang usual na point of view ng mga nasa relasyon.

Iba talaga ang haba ng hair ni Kathryn.

Pero pansin na pansin naman na papunta na sa kasalan ang dalawa dahil bukod sa tagal na nilang magkarelasyon, good influence rin sila sa isa’t isa.

Bukod pa rito, kita mo ang glow at alam mong destined talaga sila para sa isa’t isa.

Ang tanong ng madlang pipol, kailan nga ba ang kasal?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending