Bakit natakot si Mikee Quintos na dyowain si Paul Salas? | Bandera

Bakit natakot si Mikee Quintos na dyowain si Paul Salas?

Ervin Santiago |January 26,2023
facebook
share this

Bakit natakot si Mikee Quintos na dyowain si Paul Salas?

Ervin Santiago - January 26, 2023 - 06:51 AM

Bakit natakot si Mikee Quintos na dyowain si Paul Salas?

Paul Salas at Mikee Quintos

INATAKE rin pala ng takot at pag-aalinlangan ang Kapuso actress na si Mikee Quintis na sagutin at makipagrelasyon kay Paul Salas.

Inamin ng dalaga pati na rin ni Paul na hindi naging madali para sa kanila ang magsimula ng isang serious relationship sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Mikee, takot siyang makipagrelasyon noon dahil two years din siyang single kaya may pagdadalawang-isip talaga bago siya nakipag-date kay Paul.

“Sa 25 years ng life ko, sa experiences ko, parang nakakuha na ako ng strength doon sa mga naa-achieve ko mag-isa.

“Meron na akong belief na if I put in the hard work and if I trust myself, kaya ko. May mga maa-achieve ako,” pahayag ng dalaga sa interview ng “Surprise Guest with Pia Arcangel.”

Naniniwala kasi si Mikee na ang pakikipagrelasyon ay isang seryosong commitment sa taong mahal mo at kailangan mong mag-invest ng panahon, ng feelings, at ng effort para mag-work ito.

“Natatakot akong mawala yung strengths na nahanap ko mag-isa kapag nag-fully commit ako and binuksan ko ‘yung sarili ko sa partner and sa relationships,” pahayag ng aktres.

Sabi pa ni Mikee, ayaw sana niyang makipag-date sa kapwa artista, “Galing po ako sa two years akong single tapos na-happy na ‘ko sa pagiging single na feeling ko pag pinasok ko ‘to, mawawala lahat ng tinrabaho ko sa two years na ‘yun. ‘Yung po ‘yung nagpatagal talaga sa side ko.

“Siguro nu’ng naramdaman niya (Paul) yun, natakot din siya kaya umatras din naman siya. Tapos umatras siya, na-hurt ako. Du’n ko na-realize na ‘Ay gusto ko na pala,'” paliwanag ni Mikee.

“Soon after naman, nu’ng ako na ‘yung nag-sabi na game na, after a few months, mga two months, du’n na kami nag-‘Okey, try na natin ‘to, it’s the right time na,'” chika pa ng Kapuso actress at singer.

Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

Pamilya ni Mikee Quintos hindi boto noon kay Paul Salas: Basta ipinakita ko lang sa kanila kung sino ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: ‘Na-bother ako, nainis pero normal naman ‘yun sa magkarelasyon’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending