Pamilya ni Mikee Quintos hindi boto noon kay Paul Salas: Basta ipinakita ko lang sa kanila kung sino ako | Bandera

Pamilya ni Mikee Quintos hindi boto noon kay Paul Salas: Basta ipinakita ko lang sa kanila kung sino ako

Ervin Santiago |October 02,2022
facebook
share this

Pamilya ni Mikee Quintos hindi boto noon kay Paul Salas: Basta ipinakita ko lang sa kanila kung sino ako

Ervin Santiago - October 02, 2022 - 08:43 AM

Pamilya ni Mikee Quintos hindi boto noon kay Paul Salas: Basta ipinakita ko lang sa kanila kung sino ako

Mikee Quintos at Paul Salas

HINDI pala boto noon ang pamilya ng Kapuso young actress-singer na si Mikee Quintos sa boyfriend nitong si Paul Salas.

Yan ang inamin ng Kapuso couple nang mapag-usapan ang courting stage sa kanilang relasyon na mapapanood sa bagong YouTube vlog ng Kapuso hunk at “Lolong” star.

Ayon kay Mikee, naging challenging para sa kanila ni Paul ang pagsisimula ng kanilang love story dahil nga halos lahat ng miyembro ng kanyang pamilya at hindi aprub sa binata bilang boyfriend niya.

“Magiging honest ako. Nahirapan talaga si Paul nu’ng una kasi nu’ng start ng relationship, lahat hindi boto sa kanya,” pagbabahagi ni Mikee.

Ramdam na ramdam naman daw ni Paul ang pagkontra sa kanya ng pamilya ni Mikee noong mga panahong nililigawan pa lang niya ang Kapuso star.

View this post on Instagram

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


Pero hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy niya ang panunuyo kay Mikee, sa katunayan, mas na-challenge pa raw siya na patunayan ang malinis at totoong intensiyon niya sa dalaga.

Naniniwala raw siya na mababago ang tingin sa kanya ng pamilya ni Mikee dahil nagiging totoo lang siya sa kanyang sarili at sa lahat ng mga taong nagmamahal sa babaeng itinatangi niya.

“Tulad ng pagpilit kay tita na ilabas si Mikee, dumating sa point na napapa-text ako, nakukulit ko sila tita, sila tito,” ani Paul.

Natutunan din daw ng binata ang kahalagahan ng pagiging totoo sa lahat ng pagkakataon at sitwasyon at huwag na huwag magpaka-trying hard sa panliligaw.

Sumang-ayon naman si Mikee rito, “’Wag talaga. If you try too hard kasi, you tend to show a different side of yourself. Or you pretend to be someone else, or pretend to be someone you’re not.”

Hirit pa ni Paul, “Nu’ng nagawa ko yun guys, nu’ng ipinakita ko lang talaga yung sino ako, ngayon, iba na yung napi-feel ko.”

Dagdag pa niya, sobrang na-appreciate ni Paul ang suporta at tulong ng pamilya ni Mikee sa kanyang showbiz career at sa ilang aspeto ng personal niyang buhay.

“Talagang du’n ko sila na-appreciate, kaya feeling blessed and thankful talaga,” aniya pa.

Nauna rito, inamin ng magdyowa na nagkakaroon din sila ng tampuhan at hindi pagkakaintindihan pero they make sure na napag-uusapan nila ang kanilang mga problema.

Ani Mikee, “I think it’s normal for every couple to argue, but we realized na mas mahirap if may side na hindi napapakinggan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ever since, we try to make sure that we don’t get too emotional when we’re trying to fix something and focus on hearing each other out all the time and running away from the argument is never a choice,” sabi pa ng Kapuso actress.

Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

Paul Salas napahiya sa taping, gusto na sanang mag-quit sa showbiz: Sabi ko, ayoko na!

Ruru sa totohanang action scenes nila ni Paul sa Lolong: Maraming beses po talagang nagkasakitan kami

Paul Salas sasabak sa lumang tradisyon ng panliligaw para mapasagot si Mikee Quintos: Kung pwede nga haharanahin ko rin siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending