Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: 'Na-bother ako, nainis pero normal naman 'yun sa magkarelasyon' | Bandera

Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: ‘Na-bother ako, nainis pero normal naman ‘yun sa magkarelasyon’

Ervin Santiago |December 27,2022
facebook
share this

Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: ‘Na-bother ako, nainis pero normal naman ‘yun sa magkarelasyon’

Ervin Santiago - December 27, 2022 - 10:53 AM

Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: 'Na-bother ako, nainis pero normal naman 'yun sa magkarelasyon'

Paul Salas at Mikee Quintos

GAME na game na sumabak sa “lie detector challenge” ang Kapuso actress na si Mikee Quintos sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.

Isa sa mga naitanong sa dalaga ay may kaugnayan nga sa relasyon nila ng kanyang boyfriend, ang kapwa Kapuso star na si Paul Salas.

Sa napanood naming vlog ay inusisa ng isang netizen si Mikee, “Nagselos ka na ba sa co-actor ni Paul Salas?”

“No” ang sagot ng aktres pero ayon sa truth verifier, nagsisinungaling daw siya. Kaya ang natatawang explanation ni Mikee, “Hindi siya co-actor, okay? Hindi siya actor!”

Dagdag na paliwanag ng dalaga, “Selos, yes, sige. Na-bother, nainis. Pero, ang selos ko naman, normal naman siguro ‘yun sa lahat ng magkarelasyon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


Aniya, may agreement na sila ng kanyang boyfriend hinggil sa usaping selosan.

“Pagdating sa amin ni Paul, ang usapan namin, kapag may nagseselos sa aming dalawa ang rule lang naming dalawa, huwag idadamay ‘yung pinagseselosan.

“Kung nagseselos, aayusin namin yun sa aming dalawa. Hindi na parang magdamay ng ibang tao,” ani Mikee.

Pahayag pa ng dalaga, mas pinagtutuunan ngayon ng pansin kung paano mas mapapatatag ang kanilang relasyon at mas maging solid pa ang tiwala nila sa isa’t isa.

“Kung kayang ire-assure, kung kayang mag-build ng stronger relationship sa isa’t isa para hindi na mag-feel ‘yung selos sa amin namin ‘yun aayusin,” sabi pa ni Mikee.

Samantala, ngayon pa lang ay abangers na ang mga tagasuporta nina Mikee at Paul sa muli nilang pagtatambal sa upcoming Kapuso series na The Write One”.

Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako?

Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

True ba, Paul Soriano inalok ng posisyon sa gobyerno ng kampo ni Bongbong Marcos?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending