Paul Salas may pangako kay Mikee Quintos

Paul Salas may pangako kay Mikee Quintos: Aalagaan kong hindi mawawala ang ngiti mo…

Pauline del Rosario |July 02,2023
facebook
share this

Paul Salas may pangako kay Mikee Quintos: Aalagaan kong hindi mawawala ang ngiti mo…

Pauline del Rosario - July 02, 2023 - 03:22 PM

Paul Salas may pangako kay Mikee Quintos: Aalagaan kong hindi mawawala ang ngiti mo…

PHOTO: Instagram/@mikee

SWEET na sweet sa social media ang celebrity couple na sina Paul Salas at Mikee Quintos sa pagdiriwang ng kanilang 2nd anniversary bilang mag-dyowa.

Sa kanilang Instagram account ay nagpaabot sila ng matamis na mensahe para sa isa’t-isa.

Nauna na riyan si Paul na ibinandera ang isang short video na ipinapakita ang ilang memories sa kanilang pamamasyal sa Europe.

Caption pa niya, “Proud ako sa atin na everyday lumalaban tayo sa pagmamahal at relationship natin.”

Baka Bet Mo: Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

“Told you! Basta kasama natin si God walang makakapaghila pababa sa atin,” wika pa niya.

Kasabay niyan ay nagpasalamat din siya kay Mikee dahil ito raw ang tumulong sa kanya na muling mapalapit sa Diyos.

“Im proud of you babe sobra! Salamat dahil nung nakilala kita, binalik mo akong sundin at mahalin si God at mahalin ang sarili ko,” lahad niya sa post.

Ani pa ng aktor, “I Pray na maging strong pa tayo, magkaroon pa tayo ng maraming Blessings para matuloy mo ang pagiging inspirasyon sa iba siyempre kasama mo ako dun! At para makapag travel at maka-realize pa tayo ng mga bago nating ugali!”

Pangako pa niya sa girlfriend na patuloy niya itong pasasayahin.

Caption niya, “Hahahah MY BOSSING MY COMMANDER AALAGAAN KONG HINDI MAWALA ANG NGITI MO NA MAHAL NA MAHAL SAYO NG MGA TAO.”

“I LOVE YOU ‘DI AKO MAPAPAGOD NA SABIHING ‘OO TAMA KA BABE’ HAHAH,” mensahe pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)

Hindi naman nagpatalo riyan ang aktres at nagkaroon din siya ng Instagram post para kay Paul.

Ibinandera naman ni Mikee ang ilang pictures at photos nila na sweet na sweet sa isa’t-isa.

Mensahe pa niya, “Words don’t do you justice. Happiest 2 years of my life! Hope you know you’re loved, @paulandre.salas “Happy Anniversary, my international playboy!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikee Quintos (@mikee)

Matatandaan taong 2022 nang umamin si Paul na nasa dating status sila ni Mikee.

Pero bago ‘yan ay naging usap-usapan ang dalawa matapos ibandera ang ilang pictures na tila magkasama sila sa iisang beach.

Una silang nagkatrabaho at nagkatambal sa TV show na “The Lost Recipe.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Sharon payag bawasan ang talent fee makasama lang si Julia sa pelikula: ‘Aalagaan at mamahalin ko siya na parang tunay na anak’

Paul Salas na-trauma sa ex-girlfriend, promise kay Mikee Quintos: ‘Gagawin ko lahat para mag-work yung relationship namin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending