Paul Salas na-trauma sa ex-girlfriend, promise kay Mikee Quintos: 'Gagawin ko lahat para mag-work yung relationship namin' | Bandera

Paul Salas na-trauma sa ex-girlfriend, promise kay Mikee Quintos: ‘Gagawin ko lahat para mag-work yung relationship namin’

Ervin Santiago |March 15,2023
facebook
share this

Paul Salas na-trauma sa ex-girlfriend, promise kay Mikee Quintos: ‘Gagawin ko lahat para mag-work yung relationship namin’

Ervin Santiago - March 15, 2023 - 07:28 AM

Paul Salas na-trauma sa ex-girlfriend, promise kay Mikee Quintos: 'Gagawin ko lahat para mag-work yung relationship namin'

Mikee Quintos at Paul Salas

PROUD na proud na ibinandera ng Kapuso celebrity couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas na magdadalawang taon na ngayon ang kanilang relasyon.

In fairness, open na open na nga ang magdyowa sa kanilang relationship at mukhang seryoso na nga sila sa kanilang lovelife base na rin sa mga nagiging pahayag nila sa kanilang mga interview.

Sandaling nakachikahan ng BANDERA at ilan pang members ng entertainment press sa presscon ng bagong drama series ng GMA Public Affairs, ang “The Write One.”

Makakasama nila rito ang kapwa nila real life couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Magsisimula na ito sa GMA Telebabad sa darating na Lunes, March 18.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


Ayon kay Mikee, mas nagiging open na sila ni Paul na magdetalye tungkol sa kanilang relasyon matapos silang makapag-usap nang masinsinan hinggil dito.

Inamin kasi ni Paul na may takot pa siyang ibandera noon sa publiko ang relasyon nila ni Mikee dahil talagang nagka-trauma siya sa past relationship niya.

Pahayag ni Mikee, “I saw a side in Paul na… we were open about this recently, na when I realized na he was scared to go out sa public, at the beginning.

“But when we talked about it and in-explain niya the reason why he was scared. Parang hindi ko kayang suportahan yung hindi niya… yung reason na yun bakit kinakabahan siya mag-out.

“Sabi ko, ‘When you’re ready, sa right time, nandito ako.’ Ready akong tulungan siya. (Sabi ko sa kanya) ‘Kailangan mo yang harapin, walang problema sa akin i-out if it’s gonna make you feel like… yung love, like this is the real thing, this is worth it,’” paliwanag ni Mikee.

Sabi naman ni Paul, “Medyo nagkaroon ng trauma talaga. In-admit ko sa kanya yun. Ang tagal ko na ring inamin sa sarili ko na nu’ng naging kami, du’n ko lang nakikita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


“Pero nakita ko yung worth ng relationship namin, du’n ko nasabi na tatalon na ako para sa kanya.

“Siguro, ibibigay sa iyo ni God yung the right one. Hindi mo namalayan, kasi nu’ng una, nu’ng nagkakadebelopan pa kami, parang in denial pa kami, e,” pag-amin ni Paul.

Walang binanggit ang aktor kung sino ang tinutukoy niyang karelasyon na naging ugat ng kanyang trauma pero sa pagkakaalam namin hindi naging maganda ang break-up nila ng ex-girlfriend niyang si Barbie Imperial.

Baka Bet Mo: Paul Salas sasabak sa lumang tradisyon ng panliligaw para mapasagot si Mikee Quintos: Kung pwede nga haharanahin ko rin siya

Wish pa ni Paul habang nakatingin kay Mikee, “Sana, sa iyo na ang magiging future kung ano man ang tawagin nu’n, ayoko… baka ma-jinx, e.

“Pero siya yung ibinibigay ni God sa akin ngayon at sobrang grateful ako at gagawin ko ang lahat para mag-work yung relationship namin,” sey pa ng binata.

Reaksyon naman ni Mikee, “May ganu’n po akong belief, e, na parang all the failed relationships are lessons or yun yung guide mo. Para pag nandun ka na, matututunan mo na yung tama.

“Yung lahat na natutunan mo dun, magamit mo. When I met Paul, parang it didn’t make sense at first, pero nagkaroon ng sense ang lahat na napagdaanan kong past, dahil nag-match,” dagdag pang pahayag ni Mikee.

Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: ‘Na-bother ako, nainis pero normal naman ‘yun sa magkarelasyon’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pamilya ni Mikee Quintos hindi boto noon kay Paul Salas: Basta ipinakita ko lang sa kanila kung sino ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending