Paul Salas kay Mikee Quintos: Deserve mong maging masaya, handa akong ipaglaban ka | Bandera

Paul Salas kay Mikee Quintos: Deserve mong maging masaya, handa akong ipaglaban ka

Pauline del Rosario |December 19,2022
facebook
share this

Paul Salas kay Mikee Quintos: Deserve mong maging masaya, handa akong ipaglaban ka

Pauline del Rosario - December 19, 2022 - 02:09 PM
Paul Salas kay Mikee Quintos: Deserve mong maging masaya, handa akong ipaglaban ka

PHOTO: Instagram/@paulandre.salas

KILIG to the bones ang maraming fans sa ibinanderang mahabang mensahe ng Kapuso actor na si Paul Salas para sa kaarawan ng kanyang girlfriend na si Mikee Quintos.

Panimula ng aktor sa kanyang Instagram post, “Happy birthday to my Partner, Bestfriend, Best opponent, Commander, Boss, Amo (squinting face with tongue emoji)!”

Patuloy niya sa caption, “Babe deserve mong maging masaya at celebrate ang birthday mo dahil sa na achieve mo ngayon year, ‘di lang dahil dyan, kundi dahil pa sa growth mo din this year.”

Lubos na nagpasalamat din si Paul kay Mikee sa ibinubuhos nitong pagmamahal para sa kanya.

Sey niya, “Salamat sa pagiging the best partner, sa pagmamahal, gabay, pag iintindi.

“Di ko alam kung ano ang gusto kong sabihin sa caption ko ngayon, dahil kapag punong puno ang puso ko ng saya at pagmamahal di ko talaga alam paano sabihin lahat ng nararamdaman ko para sayo, alam mo yan!”

Nangako pa ang aktor na nandyan siya lagi para sa aktres at handa raw siyang ipaglaban sa lahat ng haharaping hamon sa buhay.

Lahad niya sa Instagram, “Ang masasabi ko lang, nandito ako para sayo lagi, handang lumaban sa kahit anong challenges na maharap natin.

“Handang harapin lahat ng mga kailangan ko pang harapin para maging better person para sayo, Handang ipaglaban ka sa kahit anong situation.

Dagdag pa niya, “Oh tapos sa video call natin ngayon nahuli mo akong nag ta type at seryoso at sinabi mong ‘ano yan para sa birthday caption ko na ba yan’ ayan na nga kitang kita mo kung gaano ako ka seryoso sa phone ko (laughing emoji) hayy kilalang kilala mo talaga ako! I’m Blessed to have you my baby, salamat sa lahat. Mahal na mahal kita HAPPY BIRTHDAY MATCH (red heart emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)

Kalakip ng mahabang caption ang isang video na nag-eenjoy sila habang kumakanta si Mikee at sumasayaw si Paul, ang iba naman ay ang sweet photos nilang dalawa.

Nag-reply naman si Mikee diyan at sabi niya, “Habaaaaaa (laughing emoji) Thanks, babe (finger heart emoji)”

Nagpaabot din ng “happy birthday” messages ang ilang kapwa-celebrities na makikita sa comment section ng post ni Paul.

Ilan lamang sa nagkomento ay sina Jason Abalos, Arlene Muhlach, Jak Roberto, at marami pang iba.

Related chika:

2 Kapuso actor hindi pabor sa relasyon nina Mikee Quintos at Paul Salas: ‘Pero si Lord na ‘yung nag-ayos ng problema’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paul Salas feeling lucky na makatrabaho ang GF na si Mikee Quintos sa ‘The Flower Sisters’, umaming nag-struggle sa taping

Paul Salas aminadong ‘clingy’ na dyowa kay Mikee Quintos; pananampal ni Barbie Forteza kay David Licauco trending

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending