2 Kapuso actor hindi pabor sa relasyon nina Mikee Quintos at Paul Salas: 'Pero si Lord na ‘yung nag-ayos ng problema' | Bandera

2 Kapuso actor hindi pabor sa relasyon nina Mikee Quintos at Paul Salas: ‘Pero si Lord na ‘yung nag-ayos ng problema’

Ervin Santiago |October 18,2022
facebook
share this

2 Kapuso actor hindi pabor sa relasyon nina Mikee Quintos at Paul Salas: ‘Pero si Lord na ‘yung nag-ayos ng problema’

Ervin Santiago - October 18, 2022 - 07:12 AM

2 Kapuso actor hindi pabor sa relasyon nina Mikee Quintos at Paul Salas: 'Pero si Lord na ‘yung nag-ayos ng problema'

Paul Salas at Mikee Quintos

BUKOD sa pamilya ni Mikee Quintos, may dalawang aktor din palang kaibigan ang aktres na hindi aprub noon sa boyfriend niyang si Paul Salas.

Ang tinutukoy namin ay ang mga Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Mikoy Morales na nakasama ni Paul sa katatapos lang na Kapuso primetime series na “Lolong.”

Noong una nga hindi sila boto sa akin,” ang diretsahang pag-amin ni Paul sa panayam ng GMA 7. Feeling daw kasi sina Ruru at Mikoy ay hindi seryoso si Paul sa pakikipagrelasyon sa BFF nilang si Mikee.

“Ayaw talaga nila. Feeling nila ‘di raw ako magseseryoso kapag naging kami (ni Mikee),” sabi pa ni Paul.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


Inamin din daw nina Ruru at Mikoy sa lock-in taping nila sa “Lolong” na hindi sila talaga boto sa pagsisimula ng relasyon nila ni Mikee.

“Nu’ng nakita daw nila ako sa locked in, kung sino ako…ah gets na namin kung bakit na in love si bestfriend namin,” sabi ni Paul.

Para naman kay Mikee, isang blessing ang seryeng “Lolong” para sa relasyon nila ni Paul dahil nagkaroon ng chance ang dalawa niyang male best friends na mas makilala ang boyfriend niya.

“Si Lord na ‘yung nag-ayos ng problema ko. Ang naiisip ko si Mikoy at Ruru na ‘yung pinakapuwede niyang pagselosan na lalaki sa buhay ko.

“Doon sa Lolong, roommates pa sila, then paglabas nila doon, ako na ‘yung out of place sa kanilang tatlo,” ang chika pa ni Mikee.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Pagsang-ayon naman ni Paul, napakalaking tulong nina Ruru at Mikoy para magampanan niya ng maayos ang kontrabida role niya sa seryeng “Lolong”.

“Hindi ko talaga mapu-push through ‘yung Martin ko na character kung hindi dahil kila Ruru and Mikoy, nandyan sila na naggagabay sa akin,” aniya pa.

Tinext pa raw siya ng dalawang Kapuso actors para sabihing aprub na aprub na sila kay Paul.

“Si Ruru sabi, ‘okay siya, B. Okay na siya sa akin.’ Tapos si Mikoy, nagbago na ‘yung isip ko. Sabi niya, ‘I’ll take it back,’” dagdag pa ni Mikee.

Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

Pamilya ni Mikee Quintos hindi boto noon kay Paul Salas: Basta ipinakita ko lang sa kanila kung sino ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mikoy na-intimidate sa unang salang sa Bubble Gang: Iba ang epekto sa akin ni Kuya Bitoy!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending