Ruru hinding-hindi iiwan ni Bianca: Lagi natin pipiliin ang isa’t isa!
MULING ipinagsigawan ni Bianca Umali ang wagas na pagmamahal niya para sa kanyang boyfriend na si Ruru Madrid.
Sa pagse-celebrate ni Ruru ng kanyang 27th birthday last December 4, nag-post si Bianca sa social media para sabihing deserving ng aktor ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon.
Isang video ang ibinahagi ni Bianca sa Instagram kung saan makikitang hinahalikan siya ng aktor kalakip ang kanyang birthday message.
Baka Bet Mo: Bianca sa breakup nila noon ni Ruru: Hindi ko kayang mahiwalay sa kanya
“Mahal na mahal kita.
“Mahal ko, karapat dapat ka sa lahat ng mga biyaya sayo ng Ama, dahil mabuti ang puso mo.
“Tandaan mo, ako palaging una na tatalon at papalakpak para sayo sa lahat ng mga tagumpay mo,” sey ni Bianca.
Abot-langit din ang pasasalamat ng aktres sa pagmamahal ni Ruru sa kanya kasabay ng pangakong hindi niya iiwan ang boyfriend.
“Ika mo nga – palagi natin pipiliin ang isa’t isa. Habangbuhay. Maligayang kaarawan!” saad pa ni Bianca.
View this post on Instagram
Nag-iwan naman ng message si Ruru sa comments section ng post ni Bianca, “Wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama ka habang nabubuhay ako.
“Maraming salamat sa pagmamahal at pagiging inspirasyon sa akin,” sabi pa ng binata.
Last July, ipinagdiwang nina Bianca at Ruru ang kanilang 6th anniversary as a couple.
Samantala, bibida naman si Ruru sa inspirational-drama movie na “Green Bones,” kasama si Dennis Trillo, na official entry sa Metro Manila Film Festival 2024.
Sabi ng aktor, dream come true para sa kanya na makasama si Dennis sa pelikula at napasama pa sa MMFF.
“Hindi pa rin po siya talaga nagsi-sink in na ngayon, kasama ko na si Kuya Dennis. Kasi, sila yung mga tinitingala ko talaga kaya, wala, sobrang saya lang talaga.
“And sabi ko nga, sobrang sulit din ‘yung pagod, ‘yung lahat ng hirap, sacrifices, lahat ng mga pinagdaanan ko. Yung hirap na pinagdaanan ko, sobrang sulit,” ani Ruru.
Sa tanong kung ano ang nararamdaman niya na pumasok sa MMFF ang “Green Bones” kung saan mga bigating pelikula rin ang makakalaban nila na pinagbibidahan ng mga haligi na ng industriya.
“Ako naman po eversince, sinasabi ko nga po na hindi po talaga ako tumitingin sa competition. Gusto ko lang po talaga, makagawa ng mga proyektong makabuluhan at makakapagbigay inspirasyon sa mga tao,” sey ni Ruru.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.