Ruru Madrid binasted ni Barbie Forteza matapos magregalo ng tsinelas
BASTED pala kay Barbie Forteza ang kapwa Kapuso star na si Ruru Madrid nang magtangka itong manligaw sa kanya ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Inalala ni Ruru ang ginawa niyang pagporma noon kay Barbie sa guesting niya sa bagong cooking cum talk show ng GTV na “Lutong Bahay” hosted by Mikee Quintos.
Dito nga naichika ng binata kung paano siya binasted ni Barbie nang ligawan niya ang aktres. Rebelasyon ni Ruru, nang dahil daw sa tsinelas y hindi niya napasagot si Barbie.
“14 ako, niligawan ko siya. Ang ginawa ko, binigyan ko siya ng tsinelas. Hindi ko alam ‘yung size niya,” simulang pahayag ni Ruru.
Baka Bet Mo: Ruru, Bianca tanggapin kaya ang offer na maging host sa ‘bagong Eat Bulaga’ kahit wala na sina Tito, Vic & Joey?
Dugtong pa niya, “Naalala ko nu’n, ‘yung Tito ko galing ng abroad. Tapos meron siyang inuwing tsinelas.
View this post on Instagram
“E, siyempre, dahil medyo mamahalin ‘yung tsinelas sabi ko, ito na lang ‘yung ipangreregalo ko panligaw. Tinanggap niya ‘yung regalo,” sey ng aktor.
“Pero ‘yung tsinelas pala na naibigay ko sa kanya, sobrang laki sa kanya. As in kalahati lang ‘yung paa niya du’n sa tsinelas.
“Tapos ‘yun ‘yung naging dahilan kung bakit niya ako binasted!” ang natatawa pang pag-amin ng lead star ng “Lolong” na magkakaroon na nga ng season 2 next year.
Pero past is past na nga para kina Ruru at Barbie na magkaibigan pa rin naman hanggang ngayon na pareho na ring happy sa kani-kanilang mga partner.
Nito lamang nagdaang July ay nag-celebrate na ng kanilang 6th anniversary as a couple si Ruru at Bianca Umali habang going strong pa rin ang relasyon ni Barbie kay Jak Roberto na 7 years na ngayong magdyowa.
Samantala, sa nasabi pa ring interview ay natanong din si Ruru kung totoong lumaki ang kanyang ulo habang tinatamasa ang kasikatan sa showbiz.
View this post on Instagram
“Hindi naman yumabang. Pero parang wini-win ko na lang ‘yong mga ginagawa ko. Like, parang iniisip ko na wala nang makakapigil sa akin.
“Na matutupad ko lahat ng pangarap ko kahit ‘di ko na masyadong galingan ‘yong mga ginagawa ko. Lagi akong gumigimik, lumalabas ako. Hindi ko masyadong sineseryoso ang mga ginagawa ko,” aniya pa.
Ngunit dumating nga yung time na biglang sumadsad ang kanyang career, “Ito ‘yung iniisip ko na sign, ‘pag hindi nag-work itong ‘Lolong.’ Ibig sabihin, ‘yun na ‘yong end ng career ko.
“Kahit mapilay ako, maaksidente ako, anuman ang mangyari sa akin, hindi ako susuko. Basta ang goal ko, maging sucessful ‘tong project,” sabi pa ni Ruru.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.