Dennis nag-aral mag-sign language para sa Green Bones

Dennis nag-aral mag-sign language para sa Green Bones; kinarir magpapayat

Ervin Santiago - December 07, 2024 - 02:04 PM

Dennis nag-aral mag-sign language para sa Green Bones; kinarir magpapayat

IN FAIRNESS, napakaganda rin ng full trailer ng pelikulang “Green Bones” nina Dennis Trillo at Ruru Madrid na isa sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2024.

Mula sa GMA Pictures, GMA Public Affairs at BrightBurn Entertainment na pag-aari nina Dennis at Jennylyn Mercado, palakpakan and mga members ng entertainment media nang ipalabas na ang buong trailer ng pelikula.

Inaasahan na ang bardagulang aktingan nina Dennis at Ruru sa “Green Bones” na sigurado nang maglalaban din sa pagka-best actor sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal.

Sa ginanap na grand mediacon ng “Green Bones” kamakailan sa Seda Vertis North sa Quezon City, nabanggit ni Dennis na ibang-iba naman ang ipinakita niya sa pelikula.

Baka Bet Mo: Dennis Trillo nagsalita ukol sa viral comment na ‘May ABS pa ba?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Isa sa mga challenge na ginawa niya sa movie ay ang pagsa-sign language sa halos kabuuan ng kuwento kung saan gagampanan niya ang role bilang si Domingo Zamora, na inaresto dahil sa pagpatay kanyang kapatid na babae.

Base sa trailer ng pelikula, dinala si Domingo sa San Fabian Prison and Penal Farm, ang pinakamalaking bilangguan sa labas ng Metro Manila. Nakikipag-usap siya sa mga kapwa niya PDL o persons deprived sa pamamagitan ng pagsenyas at galaw ng mata.

Dahil dito, maghihinala ang prison guard na si Xavier Gonzaga, ginagampanan ni Ruru, na pinaplano na ni Domingo ang kanyang pagtakas.

“Dito kasi sa character ko na ‘to, mayroong phase du’n sa kuwento niya na kinailangan niyang mag-sign language.

“Dahil du’n sa trauma na naramdaman niya, parang ayaw niya muna magsalita,” pagbabahagi ni Dennis about his character.

“Kahit tinginan pa lang, naiintindihan mo na kung ano ‘yung gustong ipahiwatig ng kuwento,” dagdag ni Dennis.

Bukod sa pag-aaral ng sign language, talagang kinarir din ni Dennis ang pagpapapayat para maipakita sa manonood ang karakter niya na isang adik na nakapatay at nakulong.

“Kailangan lang mag-effort kasi ang tagal ko na dito sa industriya, kailangan may maipakita naman akong bago,” sey ni Dennis na ilang linggong nag-diet (1 meal a day) para mabilis pumayat.

Mula sa direksyon ni Zig Dulay na siya ring nasa likod ng award-winning MMFF 2023 entry na “Firefly”, showing na ang “Green Bones” sa December 25.

Ito’y mula sa original story ni JC Rubio, senior documentary manager ng GMA Public Affairs, at isinulat nina National Artist Ricky Lee at MMFF 2023 Best Screenplay winner Anj Atienza.

Ka-join din sa movie sina Michael De Mesa, Ronnie Lazaro, Kylie Padilla, Iza Calzado, Sofia Pablo, Alessandra de Rossi, Wendell Ramos, Pauline Mendoza at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, tungkol naman sa unang pagsabak nila ni Jen bilang producer ng “Green Bones, feeling lucky ang mag-asawa dahil napasama agad sila sa MMFF.

“Masuwerte kami na yung pinakaunang project ng BrightBurn ay yung aming pelikula na Green Bones na Metro Manila Film Festival entry.

“Ngayon, maraming mga nag-pitch sa amin ng mga projects at umaasa kami na marami pang magagandang ka-collaborate sa susunod na mga taon,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending