Ruru, Bianca tanggapin kaya ang offer na maging host sa 'bagong Eat Bulaga' kahit wala na sina Tito, Vic & Joey? | Bandera

Ruru, Bianca tanggapin kaya ang offer na maging host sa ‘bagong Eat Bulaga’ kahit wala na sina Tito, Vic & Joey?

Ervin Santiago |March 14,2023
facebook
share this

Ruru, Bianca tanggapin kaya ang offer na maging host sa ‘bagong Eat Bulaga’ kahit wala na sina Tito, Vic & Joey?

Ervin Santiago - March 14, 2023 - 07:17 AM

Ruru, Bianca tanggapin kaya ang offer na maging host sa bagong 'Eat Bulaga' kahit wala na sina Tito, Vic & Joey?

Ruru Madrid at Bianca Umali

TATANGGAPIN kaya ng Kapuso celebrity couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid sakaling makatanggap sila ng offer para sa “rebranded” version ng “Eat Bulaga”?

Okay lang ba sa kanila na maging co-host sa nasabing noontime show kahit hindi na nila makakasama ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ang iba pang original Dabarkads?

Huling napanood sa longest-running noontime show sa bansa sina Bianca at Ruru last month. Paliwanag ng magdyowa, hindi na sila nakabalik sa programa dahil sa taping ng kanilang GMA primetime series na “The Write One”, na magsisimula na sa March 20.

Nang humarap sa media sina Bianca at Ruru para sa grand presscon ng “The Write One” ay natanong sila tungkol sa mga isyung kinakaharap ng “Eat Bulaga.”

Sabi ni Ruru, “Siyempre nababalitaan ko ang mga nangyayari. Wala po kasing definite na sinabi sa amin kung ano po talaga ang estado nila ngayon dahil the last time na nakapag-Eat Bulaga! kami was nu’ng Feb pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“Nu’ng time na yun, hindi pa pinag-uusapan yung issue. So, dahil nandun pa kami sa tapings, wala po kaming idea kung ano po ang nangyayari.

“But, kung ano man po yung pinagdadaanan po nila, kung ano mang klaseng pagsubok po yan, I’m sure malagpasan po nila yun.

“Kasi 44 years na ang Eat Bulaga!, sa dinami-dami ng taong yun, sigurado mas marami po silang pagsubok na pinagdaanan na higit pa diyan. So, alam po namin na malalapagpasan po nila yan,” pahayag ng Kapuso hunk.

Sey naman ni Bianca, napi-feel daw niya kung ano ang nararamdaman ngayon ng mga Dabarkads na talagang napamahal na rin sa kanya.

“Ruru and I, we both love Eat Bulaga!, and I also love the relationship that I have with Mr. T (Tony Tuviera ng TAPE Inc.) mga Dabarkads, and everyone else.

“Sa lahat po na mga taong nasa loob ng APT, mahal po namin sila. Kung ano man po yung pinagdadaanan ng pamilya ngayon, of course we are one with them.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“We feel deeply as much as they do. And sa atin, hindi lang po kami nakapag-Eat Bulaga! ngayon because we are focused on taping our show. But hopefully, everything gets better,” mensahe pa ng aktres.

Baka Bet Mo: ‘Hindi na kumpleto ang Eat Bulaga kapag nawala ang TVJ’ – Ruru Madrid

Ayon sa mga kumakalat na chika, baka raw kumuha ang bagong management ng noontime show ng mga talents mula sa Sparkle, ang talent management  ng GMA 7.

Ang tanong, tatanggapin ba nina Bianca at Ruru kung aalukin sila na maging bahagi ng “bagong” “Eat Bulaga”? Sagot ni Bianca, “Sa ngayon po siguro, that will depend. Ayoko naman pong sabihin, hindi. Ayoko naman pong sabihin, oo. But we’ll see. Mahal naman po namin ang Eat Bulaga.”

Para naman kay Ruru, “Siyempre for us, blessing po yan, e. Trabaho po yan. So, kung ano po yung i-offer sa amin, titingnan po namin kung alam po namin na makakatulong din po sa amin, and at the same time gusto po namin yung ginagawa po namin. Siguro du’n lang.

“When it comes naman sa trabaho… I mean, siyempre may say po kami, pero still, pinaparating pa rin po namin sa management po namin,” katwiran pa niya.

Nauna nang sinabi ni Ruru nang mainterbyu namin siya sa nakaraang mediacon ng Beautéderm Corporation ni Miss Rhea Anicoche-Tan na hindi na hindi na pwedeng tawaging “Eat Bulaga” ang programa kung mawawala sina Tito, Vic & Joey.

“Simula noong bata ako, nanonood ako ng Eat Bulaga, nandoon na po sila, so, I don’t think magi­ging Eat Bulaga pa rin siya nang walang TVJ,” sabi pa ni Ruru.

Ruru naiyak sa pasorpresa ni Bianca sa Korea; Dingdong super in love pa rin kay Marian, may good news para sa mga Kapuso

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruru Madrid hindi nagpa-double sa ‘Lolong’: Lahat ng buwis-buhay stunts ako ang gumawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending