'Hindi na kumpleto ang Eat Bulaga kapag nawala ang TVJ' – Ruru Madrid | Bandera

‘Hindi na kumpleto ang Eat Bulaga kapag nawala ang TVJ’ – Ruru Madrid

Ervin Santiago |March 09,2023
facebook
share this

‘Hindi na kumpleto ang Eat Bulaga kapag nawala ang TVJ’ – Ruru Madrid

Ervin Santiago - March 09, 2023 - 06:52 AM

'Hindi na kumpleto ang Eat Bulaga kapag nawala ang TVJ' – Ruru Madrid

Bianca Umali at Ruru Madrid

SHOOKT din ang Kapuso actor na si Ruru Madrid nang mabalitaan niya ang mga kumakalat na isyu tungkol sa longest-running noontime show sa bansa na “Eat Bulaga.”

Nababahala rin daw ang binata sa mga naglalabasang balita ngayon tungkol sa “Eat Bulaga” kung saan isa nga siya sa mga guest co-hosts, lalo na sa chikang tatanggalin na raw sina Tito Sotto, Joey de Leon at Vic Sotto sa programa.

Ayon kay Ruru, wala pa naman daw  sinasabi sa kanila ang management hinggil dito, “Actually, nababalitaan ko lang siya dahil nga lately, hindi po kami nakakapag-Eat Bulaga gawa ng nagte-taping kami for The Write One.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“May mga nagsasabi sa akin pero wala naman pong nakakapag-confirm kung ano po talaga ang nangyari,” pahayag pa ng aktor nang makatsikahan kamakalawa.

Matatandaang pumasok si Ruru at ang girlfriend niyang si Bianca Umali bilang guest co-hosts ng “Eat Bulaga” kaya natanong din si Ruru kung ano ang nararamdaman niya ngayong nasusuong sa kontrobersya ang noontime show.

“‘Yun nga, eh. Actually, nakakaano rin po. Parang kahit papa’no, medyo nakakabalisa rin. Na napapaisip ka na parang hindi mo alam kung ano ang mangyayari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“But I’m pretty sure, malalampasan naman po ‘yan. Magiging okay po lahat. Sabi ko nga, hindi lang po ito para sa kung sinong tao or kaninong personalidad dito sa industriya but para po ito sa mga manonood talaga,” sabi pa niya.

Baka Bet Mo: Ruru naiyak sa pasorpresa ni Bianca sa Korea; Dingdong super in love pa rin kay Marian, may good news para sa mga Kapuso

Ipinagdiinan din ng Kapuso actor na hindi na magiging kumpleto ang “Eat Bulaga” kung wala ang sina Tito Sen, Bossing Vic at Master Henyo Joey.

“Simula noong bata ako, nanonood ako ng Eat Bulaga, nandoon na po sila, so, I don’t think magi­ging Eat Bulaga pa rin siya nang walang TVJ,” sabi pa niya.

Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na official statement ang management ng programa tungkol sa nababalitang pag-alis ng iconic trio sa “Eat Bulaga” at sa umano’y pagbabago sa programa at sa mga taong namamahala rito.

Willie umamin: Mahirap talagang makipag-compete sa mga noontime show, pinagdaanan ko na lahat iyan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim walang nagawang sablay para tsugihin sa ‘Showtime’; Andrea nagpaka-drag queen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending