Ruru Madrid may promise kay Bianca: Araw-araw kita ipagmamalaki sa lahat ng tao | Bandera

Ruru Madrid may promise kay Bianca: Araw-araw kita ipagmamalaki sa lahat ng tao

Therese Arceo |March 03,2023
facebook
share this

Ruru Madrid may promise kay Bianca: Araw-araw kita ipagmamalaki sa lahat ng tao

Therese Arceo - March 03, 2023 - 06:30 PM

Ruru Madrid may promise kay Bianca: Araw-araw kita ipagmamalaki sa lahat ng tao
PUNUNG-PUNO ng pagmamahal ang mensahe ng Kapuso actor na si Ruru Madrid sa kanyang girlfriend na si Bianca Umali.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktor ang kanilang larawan ng dalaga bilang pagbati sa kanyang ika-23rd birthday.

“Araw-araw ipagpapasalamat ko sa Panginoon na ikaw ang binigay niya sa akin. Araw-araw pipiliin kong mabuhay dahil ikaw ang makakasama ko. Araw-araw di ako magsasawang sabihin sayo kung gaano ako kapalad na ikaw ay sa akin, at ako ay sa iyo,” saad ni Ruru.

Nitong Huwebes, March 2, ang kaarawan ng Kapuso actress.

Dagdag pa ni Ruru, “Araw-araw ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin. Araw-araw kita ipagmamalaki sa lahat ng tao dahil sa husay at galing mo. Araw-araw ita-trato kita bilang Reyna ng buhay ko. Araw-araw sasabihin ko sayo na Mahal kita. Maligayang kaarawan, Mahal ko [heart emoji].”

Nag-reply naman si Bianca sa post ng kasintahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Aniya, “Mahal na mahal kita mahal ko [heart emoji].

Marami naman sa mga celebrity friends nina Ruru at Bianca ang nagpaabot ng pagbati para sa dalaga.

“Happy birthday Bianca!!! Stay happy and in love guy!!” comment ni Rocco Nacino.

Saad naman ni Lovely Abella, “Aysusss!!! Happy Birthday Ga!!!! Congratulations sa lahat.”

Matatandaang noong August 2021 nang amini ni Ruru na nasa “dating” stage na sila ng dalaga.

Nitong Nobyembre 2022 ay na-interview ang aktor sa “The Boobay and Tekla Show” at nabanggit nitong sana si Bianca na ang “the one” for him.

“Sa totoo lang, sana siya na. Sana. Kasi siyempre, napakarami pang puwedeng mangyari sa mga buhay namin. Madami pang pagsubok for sure na pagdadaanan kami parehas, pero alam ko naman, based sa mga pinagdaanan namin sa mga nakalipas na panahon, nalampasan namin yun. So, for sure, malalampasan din namin yun,” proud na sabi ni Ruru.

Related Chika:
Ruru Madrid binabagyo ng blessings; bongga na ang career, swerte pa sa lovelife

Ruru Madrid biglang nagbago ang itsura, nagparetoke nga ba ng ilong?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruru Madrid, Bianca Umali nanibago sa pagsabak sa shooting bilang magka-loveteam; Lotlot, Monching ‘nagkabalikan’

Ruru Madrid umaming si Bianca Umali ang dahilan kaya nag-showbiz: Gusto ko siya maka-partner…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending