Ruru Madrid biglang nagbago ang itsura, nagparetoke nga ba ng ilong? | Bandera

Ruru Madrid biglang nagbago ang itsura, nagparetoke nga ba ng ilong?

Ervin Santiago |October 31,2021
facebook
share this

Ruru Madrid biglang nagbago ang itsura, nagparetoke nga ba ng ilong?

Ervin Santiago - October 31, 2021 - 09:05 AM

Ruru Madrid

MARAMI ang nakapansin na parang biglang nag-iba ang itsura ng Kapuso hunk actor at singer na si Ruru Madrid.

Bukod sa pumayat ang “All-Out Sundays” perforner at lead star ng upcoming TV series ng GMA 7 na “Lolong” at bagong hairstyle ay tila may nabago rin daw sa mukha ng binata.

Kaya naman ang reaksyon ng ilang netizens, baka raw nagparetoke na rin ang binata para mas ma-enhance ang kanyang itsura.

“Actually, nagugulat din ako sa mga comments na nagpagawa raw ako ng ilong. Maybe kasi sobrang pumayat,” pahayag ng hunk actor sa panayam ng GMA.

Ayon kay Ruru, talagang kinakarir niya ang pagwo-workout para sa mas healthy na lifestyle, “Ito ang pinakagusto kong condition ng katawan ko. Pinaghandaan ko ito ng three years dahil sa Lolong.”

Dugtong pang chika ng binata, nang dahil sa regular exercise and training mas naging madali na sa kanya ang mga fight scenes na ipinagagawa sa kanya sa “Lolong.”

“Masarap sa pakiramdam na most of my fight scenes, ako gumagawa at minsan tumutulong akong i-direct.

“Iba ‘yung ibinibigay sa akin na inspirasyon na pagandahin pa yung mga eksena so wala namang problema kahit ano pang sabihin ng mga tao,” pahayag pa ng binatang aktor.

View this post on Instagram

A post shared by Jose' Ezekiel Madrid (@rurumadrid8)


Medyo na-delay ang pagpapalabas ng nasabing action-drama series ni Ruru dahil sa pandemya, pero huwag mag-alala ang mga fans ng aktor dahil malapit nang umere ang isa na namang ipinagmamalaking proyekto ng GMA.

“To be honest, of course nakaka-sad. I’ve been waiting for this project, it’s been almost three years, I guess.

“Pero, still, mas nangingibabaw ‘yung excitement, kaya rin tumatagal kasi gusto naming mapaganda namin itong proyekto na ‘to.

“For me, walang problema kahit gaano katagal pa ‘yan basta mabigay namin ‘yung best namin para sa proyekto na ito,” sey pa ng “Lolong” lead star.

Ruru jackpot sa career at lovelife, puring-puri ni Rhea Tan: Napakasarap niyang katrabaho!


* * *

Maghahalo ang katatawanan at kababalaghan ngayong Halloween sa “Kuwentong Tililing,” ang newest online offering ng official comedy channel ng Kapuso Network na YouLOL.

Tampok sa pinakabagong online content ang animated short anthology na produkto ng mahuhusay at talentadong writers ng GMA 7 comedy group na sina Tata Betita at Renei Dimla. 

Sila rin ang nagsisilbing animators ng “Kuwentong Tililing” habang si Sheba Strange (Sheba Gopita) naman ang narrator ng mga kuwento.

Maliban sa kanilang nalalapit na Halloween special, bibida rin sa Kuwentong Tililing ang ilan pang wacky at weird tales na tiyak na kikiliti sa imahinasyon ng viewers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, kamakailan din ay pumalo na sa 800,000 ang subscribers ng YouTube channel ng YouLOL.  ‘Wag palampasin ang “Kuwentong Tililing,” soon sa YouLOL!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending