Ruru Madrid, Bianca Umali nanibago sa pagsabak sa shooting bilang magka-loveteam; Lotlot, Monching 'nagkabalikan' | Bandera

Ruru Madrid, Bianca Umali nanibago sa pagsabak sa shooting bilang magka-loveteam; Lotlot, Monching ‘nagkabalikan’

Ervin Santiago |February 01,2023
facebook
share this

Ruru Madrid, Bianca Umali nanibago sa pagsabak sa shooting bilang magka-loveteam; Lotlot, Monching ‘nagkabalikan’

Ervin Santiago - February 01, 2023 - 07:43 AM

Ruru Madrid, Bianca Umali nanibago sa pagsabak sa shooting bilang magka-loveteam; Lotlot, Monching 'nagkabalikan'

Bianca Umali at Ruru Madrid

SIMULA pa lang ng 2023 ay pareho nang busy ang reel and real life celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Bukod nga sa pareho silang napapanood sa Kapuso noontime show na “Eat Bulaga” bilang mga bagong Dabarkads, ay tuloy na tuloy na ang muling pagsabak ng dalawa sa bagong serye.

Nagsimula na ang shooting para sa kanilang upcoming drama “with a twist of fantasy” series na “The Write One” sa GMA 7.

First-ever team up ito ng RuCa couple kaya naman hindi lang ang kanilang mga fans ang excited para sa nasabing project kundi pati na rin ang magdyowa.

Inamin ni Bianca na nanibago siya ngayong magkatrabaho sila ni Ruru, “Sanay kami na kaming dalawa ‘yung pahinga ng isa’t isa. Hindi kami sanay na kami yung trabaho ng isa’t isa.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Ibinahagi naman ni Ruru ang pasasalamat sa GMA Public Affairs na siyang magpo-produce ng “The Write One.”

“Ang sarap ng Public Affairs because nakikikita mo yung growth na magkakasama kayong lahat, eh,” pahayag ni Ruru na huling bumida sa hit GMA series na “Lolong.”

Bukod sa RuCa, isa pang real-life couple ang dapat ding abangan sa naturang serye, ang tambalan nina Mikee Quintos at Paul Salas.

Nagkasama man dati sa “The Lost Recipe”, ito ang first time nilang gaganap as a couple. At para sa mga 80s babies, tiyak na trip down memory lane ang muling pagtatambal nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.

Kamakailan din ay inanunsyo ng Kapuso Network ang partnership nito sa video streaming service na Viu kung saan magiging available sa Viu ang ilan sa mga upcoming Kapuso show.

Nangunguna na rito ang “The Write One.” Isa pang Kapuso show na mapapanood sa Viu ang “Love Before Sunrise” na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.

Bianca Umali nagpabakuna para sa kapakanan ng pamilya

Paolo pangarap makagawa ng pelikula kasama ang utol na si Marco: Sobrang excited ako na makatrabaho siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruru kay Bianca: Ikaw ang nagsisilbing gasolina ko kapag napapagod na ako at nawawalan ng pag-asa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending