Paolo pangarap makagawa ng pelikula kasama ang utol na si Marco: Sobrang excited ako na makatrabaho siya | Bandera

Paolo pangarap makagawa ng pelikula kasama ang utol na si Marco: Sobrang excited ako na makatrabaho siya

Ervin Santiago |January 18,2022
facebook
share this

Paolo pangarap makagawa ng pelikula kasama ang utol na si Marco: Sobrang excited ako na makatrabaho siya

Ervin Santiago - January 18, 2022 - 07:25 AM

Paolo Gumabao at Marco Gumabao

LOOKING forward na ang hunk actor na si Paolo Gumabao na magkasama sila sa isang pelikula ng kanyang kapatid na si Marco Gumabao.

Malaki na ang posibilidad na mabigyan ng bonggang project together ang magkapatid sa bakuran ng Viva Films.

Bida ngayon si Paolo sa una niyang Vivamax original movie na “Sisid” habang contract star naman ng Viva Artists Agency ang half-brother niyang si Marco.

“Sobrang excited ako na makatrabaho si Marco. Actually, a few weeks ago, I think a month ago, nag-usap kaming dalawa. Dumalaw ako sa bahay nila, nag-usap kami.

“Sabi ko sa kanya, ‘Bro, sana magkaroon tayo ng movie soon sa Viva together. Sabi niya, ‘Oo, only time will tell, sana.’

“Sana magkaroon kami ng film together. It will be something na… that will be an experience na gusto kong mangyari,” ang pahayag ni Paolo sa ginanap na virtual mediacon para sa “Sisid” last Friday, Jan. 14.

Sa mga hindi pa aware, magkapatid sina Paolo at Marco sa ama — tatay nila ang veteran actor na si Dennis Roldan na nakakulong ngayon sa National Bilibid Prison dahil sa kasong kidnapping.

Samantala, makakasama rin ni Paolo sa “Sisid” sina Kylie Verzosa, Christine Bermas at Vince Rillon. Mas magiging mapangahas ba si Paolo sa bago niyang movie at tumodo rin ba siya rito pagdating sa paghuhubad?

“In Lockdown, I went all out, full frontal. Dito naman sa Sisid, panoorin na lang nating lahat. We’ll see, surprise na lang,” ani Paolo.

Samantala, ilang beses nang nakatrabaho ni Kylie Verzosa si Marco kaya natanong ang dating beauty queen-actress kung paano niya ikukumpara ang magkapatid? 

“Parang napansin ko na medyo similar sila in some ways. Pareho sila ng personality, pareho silang makulit, pareho silang madaldal. Ganyan silang dalawa.

“Parang pinapagaan nila yung set. Maganda yung energy nilang dalawa.

“Parang sila yung type of actors na you wanna be on set because it won’t be a boring set. Fun lang sila na kasama. At the same time, pareho silang mahusay na aktor.

“Yung difference, mas younger si Paolo. Pareho silang magaling. But si Paolo, may konting command.

“Yung, ‘Puwede ba akong humingi nang ganito? Can you give me time to prepare?’ But it was really fun working with the both of them,” sagot ni Miss International 2016.

Panoorin ang mga kumplikadong emosyon ng mga relasyon sa “Sisid” sa Digital World Premiere nito ngayong Jan. 18, sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Sa Jan. 19, mapapanood naman ito sa Vivamax Plus, ang bagong pay-per-view service ng Viva. At sa March 18, pwede nang panoorin ang “Sisid” sa Vivamax.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Paolo Gumabao (@paologumabao)

Paolo Gumabao, Vince Rillon mas nadaliang makipaghalikan sa kapwa lalaki kesa sa babae, anyare?

Marco umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Ivana; nagpaalam kay Jake bago ‘chinurva’ si Kylie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending