Ruru kay Bianca: Ikaw ang nagsisilbing gasolina ko kapag napapagod na ako at nawawalan ng pag-asa... | Bandera

Ruru kay Bianca: Ikaw ang nagsisilbing gasolina ko kapag napapagod na ako at nawawalan ng pag-asa…

Ervin Santiago |November 13,2022
facebook
share this

Ruru kay Bianca: Ikaw ang nagsisilbing gasolina ko kapag napapagod na ako at nawawalan ng pag-asa…

Ervin Santiago - November 13, 2022 - 07:58 AM

Ruru kay Bianca: Ikaw ang nagsisilbing gasolina ko kapag napapagod na ako at nawawalan ng pag-asa...

Ruru Madrid at Bianca Umali

UMAASA at palaging ipinagdarasal ni Ruru Madrid na sana’y si Bianca Umali na nga ang babaeng makakasama niya for the rest of his life.

Feeling ng Kapuso hunk actor, natagpuan na niya ang “the one” sa katauhan ni Bianca at nakikita na raw niyang ang dalaga na ang makakasama niya habambuhay.

Sa guesting ni Ruru sa nakaraang episode ng “The Boobay and Tekla Show” nagbahagi ang binata ng ilang detalye tungkol sa relasyon nila ni Bianca.

Unang tinanong sa aktor ang tungkol sa pagpapakasal, “Wala sigurong specific na date or age.

“Kasi for me ‘yung mga bagay na nangyayari, lalong-lalo na ‘yung mga big events sa buhay natin, hindi natin ‘yan agad-agad puwedeng iplano ahead of time.

“Kasi once na maramdaman mo ‘yan sa puso mo na it’s time, ‘yun na talaga ‘yon. Wala nang makakapigil pa doon,” tugon ng aktor.

Kasunod nito, tinanong nga si Ruru kung si Bianca na ba ang kanyang “forever”, “Sana siya na.

“Kasi siyempre napakarami pang puwedeng mangyari sa mga buhay namin. Pero ang dami mga pagsubok pa, for sure, na pagdadaanan kami parehas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“Pero alam ko naman, based sa mga napagdaanan na namin sa mga nakalipas na panahon, nalampasan namin ‘yon. So for sure, malalampasan din namin ulit ‘yon,” sey niya.

“Sa amin kasi ‘yun ‘yung tinatawag na pinagpanata. Araw-araw at gabi-gabi, pinagpe-pray ko na sana siya na talaga ‘yung babae na nakatakda para sa akin.

“Totoo ‘yon, walang imposible sa Panginoong Diyos. Once na binigay na ‘yan sa ‘yo, sayong-sayo na ‘yan,” aniya pa.

Ito naman ang message ni Ruru kay Bianca, “Ikaw ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin sa araw-araw para gumising ako sa araw-araw. Ikaw ang nagsisilbing gasolina ko kapag napapagod na ako sa trabaho, kapag nawawalan ako ng pag-asa.

“Ikaw ang nagpapaalala sa akin ng worth ko at ikaw ang nagpapaalala sa akin na maraming taong nagmamahal sa akin.

“Kaya lagi mong tatandaan, hindi ko man kayang suklian lahat ng mga kabutihan na ginagawa mo sa akin pero unti-unti ipaparamdam ko sa ‘yo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko,” mariin pang sabi ng binata.

Bianca Umali nagpabakuna para sa kapakanan ng pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ina ni Bianca Umali namatay sa breast cancer nu’ng 5 years old siya, inatake naman sa puso ang ama pagtuntong niya ng 10

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending