Bianca Umali nagpabakuna para sa kapakanan ng pamilya | Bandera

Bianca Umali nagpabakuna para sa kapakanan ng pamilya

Therese Arceo - August 18, 2021 - 07:46 PM


NAIS ng Kapuso actress na si Bianca Umali na maproteksyunan ang kaniyang sarili pati na rin ang mga mahal sa buhay laban sa COVID-19 vaccine.

Sa isang online interview nito kasama ang press, isa sa mga rason na nagtulak sa dalga para magpabakuna ay noong naging tatlong beses siyang naging close contact siya ng mga taong nag-positive sa COVID-19.

“I felt like papalapit na sa akin ang COVID-19. That’s what pushed me to think it’s time. Hindi lang para sa safety ko pero para na rin sa safety ng ibang tao,” saad ng dalaga.

Ayon pa sa dalaga, hindi raw madali ang ma-quarantine ng 14 days at tatlong beses pang nangyari dahil bukod sa iniisip nito ang sariling kalusugan, inaalala rin nito ang kaniyang pamilya.

“What if I didn’t know that I was exposed? What if I wasn’t told that I was a close contact? I won’t go to quarantine, I’ll engage with family and friends. I’m not vaccinated before so most probably, I would have it. I would even bring it to my family,” dagdag pa niya.

Pamilya nga ang naging rason ng dalaga upang magpabakuna dahil nais niya itong protektahan lalo pa’t expose siya sa labas dahil sa kanyang pag-aartista.

Nitong August 16, ibinahagi niyo sa kanyang Instagram account na fully vaccinated na siya laban sa COVID-19.

Sa kabila ng pagiging bakunado, sinisigurado pa rin niya healthy ang katawan at sinusunod ang safety protocols para maprotektahan ang sarili laban sa virus.

Dagdag pa nito, sinigurado niyang negative siya sa virus bago ito bumalik sa kanilang tahanan kung saan nandoon rin ang kaniyang lola.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending