Willie umamin: Mahirap talagang makipag-compete sa mga noontime show, pinagdaanan ko na lahat iyan | Bandera

Willie umamin: Mahirap talagang makipag-compete sa mga noontime show, pinagdaanan ko na lahat iyan

Ervin Santiago - July 25, 2022 - 07:10 AM

Willie Revillame

HINDI pa sigurado kung makikipagbakbakan sa mga higanteng noontime show sa telebisyon ngayon ang pagbabalik sa free TV ng “Wowowin” ni Willie Revillame.

Sigurado na ang pagbabalik ng game show at public service program ni Willie sa bagong TV network ng pamilya ni Manny Villar, ang Advanced Media Broadcasting Systems o AMBS 2.

Kamakailan ay pumirma na siya ng exclusive contract sa AMBS 2 kung saan nga mapapanood muli ang “Wowowin” makalipas ang walong buwang pagkawala sa free TV.

Bukod dito, magiging miyembro rin siya ng board, na pinamumunuan ni AMBS president Maribeth Tolentino, na katuwang din ni Willie sa pagpaplano at pagbuo ng magiging programming ng network.

Sa pagharap ni Willie sa ilang members ng entertainment media pagkatapos ng kanyang contract signing sa AMBS 2, natanong siya kung magbabalik sa noontime slot ang “Wowowin.”

“Right now, inaayos pa namin ni Ms. Beth. Pinag-aaralan namin ano yung mas magiging maganda sa noontime or prime time.

“To be honest with you, wala pa kaming mga artista, kinakausap pa lang. At saka hindi naman ito ganu’n kadali, yung mga inabot ng ibang istasyon na mga years—50 years, 70 years—hindi naman puwedeng ganu’n-ganu’n, just like that,” sey pa ng TV host.

Aniya pa, “So yung noontime, inaaral pa namin kung sinong ilalagay, ako ba or sa primtime ba ako or magbubuo ba ng bagong noontime.”

Taong 2005 nang unang mapanood si Willie sa noontime show ng ABS-CBN na tumagal hanggang 2010. Naging “Wowowin” ito nang lumipat siya sa TV5 hanggang sa mag-ober da bakod na nga sa GMA noong 2015.

Sabi ni Willie, hanggang ngayon ay inaayos pa rin nila ang programming ng AMBS 2, “So nakikipag-usap pa sa mga artista, nakikipag-usap pa sa mga bagong kumpanya na may mga talents. So lahat ng ito, hindi mamadaliin.

“Pero ang importante, yung Wowowin, nandiyan na agad. To follow naman yung ibang programa,” aniya pa.

Kasunod nito, inamin din niya na mahirap talagang makipag-compete sa noontime slot, “Mahirap talagang makipag-compete sa mga noontime show, pinagdaanan ko lahat iyan.

“Sino ilalagay mong host, sinong artista, anong concept. Kailangan mo ng writers, pero lahat ng ito, hopefully, awa ng Panginoong Diyos, e, maiaayos natin,” sabi pa ni Kuya Wil.

“Kasi may mga naiisip kami na bago mag-noontime, may early show para sa mga momshies, mga concept na ganu’n. They listen to me or they think.

“May mga artista kaming nakakausap na, pero di pa namin puwedeng i-reveal iyan kasi hindi pa naman sarado lahat iyan.

“Actually, to be honest with you, ako yung gumagawa ng programming, kami ni Ms. Beth. Ipapa-approve lang namin sa aming chairman, sasabihin naman ng chairman, ‘Kayo nakakaalam niyan, e.’

“Inaayos naming mabuti, from early morning up to the midnight show, so inaaral talaga iyan,” dagdag pa ni Kuya Wil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/291803/true-ba-isa-sa-mga-host-ng-its-showtime-tsutsugihin-na
https://bandera.inquirer.net/307254/aga-sa-kambal-nila-ni-charlene-paglaki-ng-mga-iyan-mag-aasawa-iiwan-din-tayo-magpapamilya
https://bandera.inquirer.net/288868/sharon-ipinakilala-ang-isa-pang-anak-sa-us-napakagwapo-iyan-ang-lahi-namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending