Ruru naiyak sa pasorpresa ni Bianca sa Korea; Dingdong super in love pa rin kay Marian, may good news para sa mga Kapuso | Bandera

Ruru naiyak sa pasorpresa ni Bianca sa Korea; Dingdong super in love pa rin kay Marian, may good news para sa mga Kapuso

Ervin Santiago |August 20,2022
facebook
share this

Ruru naiyak sa pasorpresa ni Bianca sa Korea; Dingdong super in love pa rin kay Marian, may good news para sa mga Kapuso

Ervin Santiago - August 20, 2022 - 10:54 AM

Marian Rivera, Dingdong Dantes, Ruru Madrid at Bianca Umali

HINDI napigilan ng Kapuso hunk at matinee idol na si Ruru Madrid ang maiyak nang sorpresahin siya ng kanyang girlfriend na si Bianca Umali sa South Korea.

Mismong ang aktres ang nagbuking na super cry ang “Lolong” star nang magkita sila sa Korea kamakailan kung saan personal nga niyang pinuntahan ang binata para makapiling itong muli.

Mahigit isang buwan nanatili sa South Korea si Ruru kasama ang iba pang celebrity contestants para sa shooting ng bagong Kapuso reality show na “Running Man Philippines.”

Last Wednesday, August 17, ibinahagi ni Bianca sa kanyang Instagram page ang video nang puntahan niya ang lugar kung saan nag-i-stay ang kanyang boyfriend at ang staff ng “Running Man PH.”

View this post on Instagram

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Ang inilagay na caption dito ni Bianca ay, “Saved the best bit for last (heart emoji) YES – HE CRIED.”

Mapapanood sa nasabing video si Bianca na nagtatago sa likod ng pader ng isang building hanggang sa pasikreto niyang pinuntahan ang kinaroroonan ni Ruru.

At nang makita nga ng hunk actor si Bianca, kitang-kita ang pagkabigla nito at hindi makapaniwalang nasa harapan niya ang girlfriend. Sandaling napatulala ang binata sabay yakap kay Bianca. Ramdam na ramdam ng kanilang fans ang pagka-miss nila sa isa’t isa.

Kasunod nga nito ang eksenang maluha-luha na si Ruru. Aniya kay Bianca, “Baliw ka! Bakit?!”

Bigla namang natawa si Ruru nang makita ang kaibigan ni Bianca na siyang kumukuha ng video.

Kuwento pa ni Bianca, talagang kinuntsaba niya ang staff ng “Running Man PH” para sa sorpresang pagdalaw niya kay Ruru sa Korea.

Ang script, pagagalitan at kailangang kausapin si Ruru para pumunta sa baba ng building kung saan naroon si Bianca. In fairness, nagtagumpay naman ang dalaga sa kanyang plano at napaiyak pa niya ang aktor.

Sabi naman ni Ruru sa comments section ng IG post ni Bianca, “I wasn’t crying… there was just something in my eye (crying and heart emojis). P.S. u know how much u mean to me.”

* * *

In love na in love pa rin si Dingdong Dantes sa kanyang asawang si Marian Rivera makalipas ang ilang taong pagsasama as a married couple.

Maraming kinilig sa Instagram post ng award-winning Kapuso actor at TV host kung saan binalikan niya ang araw noong ikasal sila ni Marian sa pamamagitan ng birthday photos ng kanyang wifey.

Sa nasabing photo, makikita si Dingdong na nakatitig kay Marian habang bumababa ito sa hagdan ng venue kung saan idinaos ang kanyang birthday party.

“Me looking at her walking down those stairs reminded me of how she marched on that majestic aisle (eight) years ago,” ang caption ni Dingdong sa nasabing mga litrato.

Samantala, sanib-pwersa na ang mag-asawa para sa pinabonggang 2nd anniversary ng GMA Affordabox. Ibinalita ng Kapuso Royal Couple na mabibili na sa mas mababang presyo na P799 (mula sa P888) ang GMA Affordabox kasabay ng pagpapakilala sa kanilang mascot na si Affordy!

Ibinahagi ni Marian ang mga nagustuhan niya sa digital TV device na ito, “Bukod sa napaka-affordable niya, mapapanood pa ito nang mas maliwanag, mas makulay at mas maganda. Kasi kapag ganoon ang offer, ibig sabihin mas masarap manood at mas naiintindihan mo kung anong pinapanood mo.”

Samantala, ikinatuwa naman ni Dingdong ang napakadaling installation steps para sa GMA Affordabox users, “Kumbaga, babasahin mo lang ‘yung instructions, wala pang three minutes, mayroon ka na kaagad mapapanood.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natulungan nito ang mga Pinoy na lalo pang mag-enjoy na panoorin ang GMA at GTV sa mas mataas na kalidad kasama na rin ang GMA digital channels na Heart of Asia, Hallypop, at I Heart Movies. Mapapanood din sa digital broadcast ang ibang free-to-air channels na available sa bawat area.

Ruru Madrid umaming lumaki ang ulo nang bumida sa Encantadia: Everyone was saying, ‘You’re gonna be the next Dingdong Dantes’

Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…

Ruru Madrid hindi nagpa-double sa ‘Lolong’: Lahat ng buwis-buhay stunts ako ang gumawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending