Toni Fowler naiyak nang magka-period si Tyronia, OA nga ba?
EMOSYONAL ang kilalang social media personality na si Toni Fowler matapos malaman ang pagkakaroon ng unang buwanang dalaw ng kanyang panganay na si Tyronia.
Sa kanyang vlog kamakailan ay mapapanood ang labis na pag-iyak ng celebrity mom habang nakatingin sa anak na nasa loob ng CR.
Tila hindi makapaniwala si Toni na dalaga na ang kanyang anak at hindi nito matanggap na lumalaki na ang kanyang baby girl.
Sa katunayan, ibinandera niya sa kanyang Facebook post kung saan sobra siyang proud na lumalaking maayos ang kanyang unica hija na nagdiriwang ng kanyang 13th birthday.
Baka Bet Mo: Toni Fowler naiyak dahil sa ‘palpak’ na gender reveal
View this post on Instagram
“HAPPY 13TH BIRTHDAY SA ANAK KONG SOBRANG LATINA. SOBRANG PROUD AKO SAYO NA LUMALAKI KANG HINDI KATULAD KO,” saad ni Toni.
Pagpapatuloy pa niya, “Kahit anong taon pa ang madagdag sayo, Kahit anong edad mo sa puso ko ay..Pang habang buhay kitang BABY anak ko.
Mababasa naman sa comment section na ang mga mommies na nakaka-relate rin kay Toni.
“pano kaya pag dumating na ung tym na mag aasawa na si tyronia sobrang dami siguro uubusing luha ni mami oni.”
“Feeling ko maiiyak din ako kapag rereglahin na first baby ko,11 years old na sya ngayon,kabado much,parang namimiss ko tuloy nung baby pa sya”
“Hindi palaging bata ang anak natin kaya tangapin natin na tatanda at tatanda tayu god bless mommy oni paka tatag ka”
Samantala, may netizens naman na nagsasabing OA ang pag-iyak ni Toni dahil lahat naman daw ng mga babae ay dumarating sa pagdadalaga.
To the rescue naman agad ang mga supporters ng social media personality at sinabing normal para sa isang ina ang maging emosyonal sa pagdadalaga ng babaeng anak.
“acceptable Po ung reaction ni Ms Toni dahil Unica ija nya c tyronia and siguro dahil sa postpartum nya”
“Hindi talagang madaling tanggapin like sa anak ko, she 9yrs. Old grabe sobrang shock talaga ako kasi hindi pa sya marunong mag ayos sa sarili tas din sya umiiyak kasi ayaw pa nya na may period na sya at her age. Basta hindi ko alam kong ano gagawin ko.”
“For me hindi ka OA yung reaction ni mommy oni. Every mom has a different reactions sa mga anak and also different way how we care about our children… Siguro takot din si mommy Oni sa mga magiging changes sa body ni tyronia and lalo na magandang bata rin si tyronia. Hindi na rin natin maiiwasan na kung ano man ang nasa utak nasa paligid natin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.