Rita gumastos talaga para aminin ang feelings kay Ken pero basted

Rita gumastos talaga para aminin ang feelings kay Ken pero basted: Sorry!

Ervin Santiago |February 18,2024
facebook
share this

Rita gumastos talaga para aminin ang feelings kay Ken pero basted: Sorry!

Ervin Santiago - February 18, 2024 - 07:57 AM

Rita gumastos talaga para aminin ang feelings kay Ken pero basted: Sorry!

Ken Chan at Rita Daniela

“NAGPA-RESERVE lang naman ako ng isang cottage, tapos parang sa amin  ‘yung buong bundok. Para kaming nasa pelikula!” Yan ang rebelasyon ni Rita Daniela sa ginawa niyang pag-amin sa tunay niyang feelings kay Ken Chan.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Talagang kinarir at gumastos ang actress-singer para lang magkausap sila nang masinsinan ni Ken at maipagtapat niya ang kanyang pagmamahal sa binata.

Pero knows n’yo ba ang nangyari? Basted si Rita kay Ken dahil hindi pumayag ang aktor na maging magdyowa sila dahil sa ilang personal na dahilan.

Sumalang sa “hot seat” ng programang “Sarap ‘Di Ba” sina Ken at Rita at dito nga nila ni-reveal na totoong na-in love sila sa isa’t isa noong kasagsagan ng kasikatan ng kanilang loveteam.

Baka Bet Mo: Rita Daniela, Ken Chan may sariling diskarte sa love scene, walang arte-arte

Tanong sa kanila ng host ng programa na si Carmina Villarroel, “Hanggang saan humantong ang inyong pagiging loveteam in real life.”

Si Ken ang unang sumagot, “Dumating kami sa point na nalito rin kaming dalawa. Sinabi ko rin sa isang interview ko na posible pala na puwede kang mahulog sa katrabaho mo.”

Sey naman ni Rita, nagsimula raw sila bilang close friends at nagkaroon pa ng agreement na walang mai-in love sa kanila sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)


“Pero nagulat na lang kami isang araw, ‘Ay, bakit parang may ganu’n na, may something na.’ It was reciprocated, yes,” sabi ng actress-singer.

“Alam namin ‘yun,” dugtong ni Rita na sinang-ayunan ni Ken sabay saying, “Pero, hindi puwede.”

Baka Bet Mo: Ken Chan itinangging pinaparinggan si Rita Daniela, inaming maayos ang kanilang relasyon

Pag-amin ni Rita, talagang gumastos pa siya para lang masolo si Ken at maipagtapat ang tunay niyang nararamdaman sa binata.

“Nagpa-reserve lang naman ako ng isang cottage tapos kami lang ang naka-reserve at that time, sa amin ‘yung buong bundok. Para kaming nasa pelikula,” chika ni Rita.

Nagpa-set up daw siya ng parang isang intimate picnic sa naturang venue kung saan ipina-serve niya ang lahat ng favorite food ni Ken.

Pagbabalik-tanaw naman ni Ken kung paano umamin si Rita sa kanyang nararamdaman, “Through letters, five pages. Tapos ‘yung sulat sobrang liliit. Binasa niya sa harapan ko while she is crying.”

Pero “binasted” nga ni Ken si Rita, “First word ang sabi niya, ‘I’m sorry, no.’” Na kinontra naman ng aktor, “Ang sabi ko ‘Thank you, but I’m sorry.’”

“Bakit ‘Sorry’? Bakit ‘No’? Bakit hindi puwede?” ang sundot na tanong ni Carmina.

“I was not ready. I was starting my businesses. Ang sabi ko sa kanya, ‘Hindi pa ako handa.’

“Kasi kung magsisinungaling, ‘Sige let’s do this’ and I’m not ready, mas lalo ko siyang masasaktan,” esplika ng aktor.

Reaksyon pa ni Rita, sana raw ay binigyan man lang ni Ken ng chance ang kanilang relasyon.

“May part na ganu’n. May part na, kahit tinray man lang nang kaunti, hanggang saan aabot. At least masasabi mong, at least nagawa. Kaysa ‘yung marami kang what if’s,” ani Rita.

Pag-alala pa ng Kapuso star sa eksenang yun, “Isipin mo January siya, pasimula ng taon, painful agad. Umabot sa point na nagsabi ako na hindi ko pa siya kayang ka-work.”

Halos one year daw ang itinagal bago  nagkaayos at muling naging magkaibigan sina Rita at Ken na unang nagmarka bilang “RitKen” sa seryeng “My Special Tatay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bumida rin sila sa mga hit Kapuso series na “One of the Baes” at “Ang Dalawang Ikaw.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending