Boss Toyo handang gumastos mabili lang ang OOTD ng TVJ nang magpaalam sa ‘Eat Bulaga’; hahataw bilang talent ng Blvck Entertainment
HANDANG gumastos nang malaking halaga ang social media personality at content creator na si Jayson Lazadas o mas kilala bilang si Boss Toyo, mabili lamang ang mga suot nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa kanilang “farewell” announcement sa “Eat Bulaga.”
Sa mga hindi pa masyadong aware, si Boss Toyo ang nasa likod ng online show na “Pinoy Pawn Stars”, ang local version ng sikat na sikat na reality show na “Pawn Stars” sa History Channel.
Dito, binibili niya ang mga memorabilia ng mga sikat at kilalang personalidad sa mundo ng showbiz sa napakalaking halaga.
Siya ang nakabili sa polo ni Chito Miranda sa halagang P150,000, sa polo ni Gloc-9 sa presyong 90,000, at sa polo ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona sa halagang P620,000 na ginamit nila sa iconic na “Bagsakan” music video.
View this post on Instagram
Nabili rin niya ang “bato” ni Darna sa Kapuso comedian na si Buboy Villar sa halagang P5,000 at ang lumang Mercedes Benz ni Sen. Imee Marcos na ginamit sa pelikulang “Maid in Malacañang” sa halagang P500,000.
“’Yun talaga ang mga trip ko ngayon, eh,” ang pahayag ni Boss Toyo sa naganap na mediacon para sa pagpapakilala sa kanya bilang bagong talent ng Blvck Entertainment Studios last Friday, June 2.
Investment din daw kasi ang mga ganitong collection dahil habang tumatagal ay mas tumataas ang value. Kaya naman gustung-gusto raw niyang bilhin ang mga damit na suot nina Tito, Vic and Joey nang magpaalam sila sa “Eat Bulaga” last Wednesday.
Baka Bet Mo: John Lloyd hindi pa handang maging tatay nang isilang si Elias; pero gustong ma-in love uli
“Alam mo, gustung-gusto ko talagang magkaroon ng memorabilia nila, e. Maganda yung last na suot nila. Saka yung mga ginamit nila sa film nila. Gusto ko sana makabili nu’n,” sey ni Boss Toyo.
Samantala, ang pagiging creative, witty, funny, spontaneous at pagkakaroon ng passion for music ang ilan sa mga dahilan kung bakit kinuha ng mga may-ari ng Blvck Entertainment na sina Engineers Louie at Grace Cristobal si Boss Toyo bilang karagdagan sa kanilang roster of talents.
“We believe that our collaboration of ideas can give birth to new and interesting concepts in content production, particularly, music. With Boss Toyo bringing the good vibes to the company something unique, big and exciting is bound to happen,” ayon kay Engr. Grace.
Boss Toyo considers himself a newbie to the music industry but has already released 2 songs in music streaming platforms.
View this post on Instagram
His being friends with other Hip-hop artists like Flow G, Honcho and King Badger inspired him to be a rap artist as well. His goal is to create more songs because he believes that music has a very strong influence on people.
His latest single, Rap Lord is his first music to be released under Blvck Music and along with it is the music video directed by Edrex Sanchez na available na ngayon sa YouTube at music streaming platforms.
Music and lyrics by Engr. Louie Cristobal and Romel Afable with JG Beats as Beat Producer. And why “Rap Lord?” Simply because he wants to claim this title for his own.
Boss Toyo’s music video and media conference are made possible by Alkaviva Waters Philippines, Grace Electronics Philippines, GLC Infinite Waters International, Blue Green Dragon Marketing, LG Realty Development, Café Gracia and Blvck Creatives Studio.
Kim, Vice inalala ang pinagdaanang hirap sa buhay; naranasan ding mag-ulam ng toyo, ketchup
Ivana muling namigay ng ayuda, gumastos ng P1.3-M: Hindi po ako nagyayabang…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.