Kim, Vice inalala ang pinagdaanang hirap sa buhay; naranasan ding mag-ulam ng toyo, ketchup Bandera

Kim, Vice inalala ang pinagdaanang hirap sa buhay; naranasan ding mag-ulam ng toyo, ketchup

Alex Brosas |June 09,2021
share this

Kim, Vice inalala ang pinagdaanang hirap sa buhay; naranasan ding mag-ulam ng toyo, ketchup

Alex Brosas June 09,2021 - 05:52 PM

GRABENG hirap pala ang pinagdaanan ng “It’s Showtime” hosts na sina Kim Chiu at Vice Ganda.

Sa “Reina Ng Tahanan” ng “It’s Showtime”, buong ningning na inamin ni Kim na sa sobrang kahirapan ay dumating sila sa  puntong nag-ulam sila ng toyo. At ganoon din pala ang naging karanasan ni Vice Ganda.

“Umabot kami sa kanin saka toyo,” pag-amin ni Kim.

“Ay, na-experience ko rin ‘yun. Pero nu’ng bata pa tayo parang hindi natin alam na kaya pala ganu’n ‘yung ulam natin kasi walang pera ‘yung magulang natin. 

“Akala natin normal lang na…kasi lagi nating nakakain ‘yun, ‘di ba? Kanin saka toyo, kanin saka condensada,” say ni Vice Ganda.

Ayon naman kay Kim, bukod sa kanin at toyo, naranasan niyang pagsamahin ang kanin at ketchup bilang ulam.

“Naaalala ko, pag alam ko nang wala ng pera ‘yung nanay ko ubos na ‘yung budget, ‘pag papupuntahin ako sa tindahan tapos bibili na ako ng chicken noodles soup. 

“Yun ang pagkain namin ‘pag wala na kaming pera talaga, chicken noodles soup lang, o kaya sardinas tapos lalagyan ng miswa,” say naman ni Vice Ganda.

Siguradong marami sa mga kakabayan natin ang naka-relate sa mga ikinuwento nina Kim at Vice.

* * *

Desperado nang manalo sa halalan si Miguel (RK Bagatsing) kaya naman nag-alok na siya ng kasal kay Eva (Mylene Dizon) sa harap ng mga botante ng bayan ng Hermoso sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Patuloy na ginagatasan ni Miguel ang love story nila ni Eva para gamitin ito sa pangangampanya, kahit pa alam na niyang dinadala ni Eva ang anak nila. 

Kahit na hindi umoo si Eva sa mismong proposal niya, patuloy na nagkukunwari si Miguel na mahal niya si Eva at na bubuo sila ng isang masayang pamilya.

Habang ipinagmamalaki ni Miguel ang tagumpay ng publicity stunt niya, inaayos na rin ng pamilya niya ang pagbabaon sa katotohanang siya ang nakasaksi sa pagkamatay ni Mang Caloy (Soliman Cruz) at na siya ang humahabol rito bago ito nasagasaan.

Si Mang Caloy ang isa sa mga iilang taong nakakaalam na magkapatid nga sina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) – isang katotohanang pilit na ililihim sa kanila nina Deborah (Eula Valdes), Agatha (Mercedes Cabral), at ang maglolong Miguel at Mayor Simon (Nonie Buencamino).

Paano malalaman nina Mira at Joy ang totoong ugnayan nila ngayong patay na si Mang Caloy? Mabilog kaya nang tuluyan ni Miguel ang utak ni Eva?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending