John Lloyd hindi pa handang maging tatay nang isilang si Elias; pero gustong ma-in love uli
DIRETSAHANG inamin ni John Lloyd Cruz na hindi pa siya handang maging tatay nang dumating ang anak nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto.
Ayon sa aktor, hindi talaga nila pinlano ni Ellen ang pagsilang ng kanilang panganay ngunit agad naman niyang nilinaw na wala siyang pinagsisisihan sa nangyari.
“Tingin ko isang bagay siya na akala mo ready ka because you wanted it. We like to believe na we are in control.
“We like that idea na ‘Hindi, it’s my plan. Plinano ko iyan.’ It took me a while para matanggap na akala mo ginusto mo, akala mo plinano mo but in reality, especially ngayon after tatlong taon, iba eh. Hindi eh,” pahayag ni Lloydie sa podcast ni Karen Davila.
Patuloy pa niyang paliwanag, “And it won’t be as humbling kung ‘Talaga, naplano mo? Paano mong naplano ‘yung ganung bagay?’
“Kasi it’s beyond words. Describing being a father especially nung lumabas siya, there’s no way na merong tao na naplano ‘yung ganung ka-weird and ka-radical na bagay. That’s a life. Buhay ‘yung lumabas because of your responsibility,” aniya pa.
Sinabi rin ng aktor na hindi naman siya natakot sa responsibilidad bilang tatay ni Elias pero talagang hindi pa niya in-expect na magkakaroon na siya ng anak.
“I didn’t get scared (sa mga responsibilities) at all. I was scared to admit na parang medyo it’s a little bit too much than what I expected. But I think that’s the whole essence of it,” katwiran ng binatang ama.
Maayos naman ang kasunduan nila ni Ellen pagdating sa pagpapalaki at pag-aalaga kay Elias ngunit kulang na kulang talaga ang panahon para magawa niya ang lahat ng nais niyang gawin kasama ang bagets.
“Siyempre mas nag-i-spend time ‘yung dalawa (Ellen),” sabi ni Lloydie.
Dagdag pa ng aktor, “What I’m learning from him, what I’m learning about him, ang galing. Parang you’ll submit to it.”
Samantala, natanong din ni Karen si John Lloyd ng, “Do you believe this true love, this great love has come?”
Bumuntong-hininga muna si John Lloyd sabay sabing, “I don’t know.” Sundot na tanong sa kanya kung gusto pa ba niyang ma-in love uli? “Oo naman,” sagot ng aktor.
Tungkol naman sa pagpapakasal, “Alam mo, mahirap magsalita nang tapos, e. Mahirap magsalita nang tapos.
“Sometimes we do things para sa mga love natin. Na there’s wild… di ba, parang out of character. You’ll never know kung anong puwede mong gawin when you’re in love.”
At sa question kung siya ba ay marrying type? “Ah, mas grounded lang, I guess. Yung approach ko, if you call it marriage, then it’s marriage.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.