Chito effort kung effort para kay Gab, ipapa-auction ang ‘Bagsakan’ polo ni Francis Magalona
TODO effort ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda para sa kanyang bestfriend at bandmate na si Gab Chee Kee.
Patuloy pa rin kasi siyang gumagawa ng paraan upang matulungan sa pagpapagamot ang ka-banda na may sakit na “lymphoma,” isang kanser ng lymphatic system.
At matapos nga ang ilang serye ng auction ni Chito, meron ulit siya ipasusubasta para sa pandagdag na gastusin ni Gab.
Ito ay ang vintage polo ng yumaong OPM rapper na si Francis Magalona na ginamit sa music video ng “Bagsakan,” ang kanta na ni-release ng Parokya ni Edgar noong 2009.
Para sa kaalaman ng marami, ang nasabing kanta ay isang collab song kasama sina Francis M. at Gloc 9.
Sa isang Facebook post ay excited na ibinandera ni Chito ang vintage polo ni Francis M. at ipinakita pa ang naging convo nila ni Saab Magalona, ang isa sa mga anak ng yumaong rapper.
Caption ni Chito, “Tingnan nyo kung ano yung nahanap namin, ‘yung polo ni Sir Kiko sa Bagsakan [red heart emoji].”
Kwento pa niya, “Honestly, ‘di na ko umaasa na mahahanap pa namin yung pangatlong polo…pero nagbakasakali ako, at nag-message ako kay Saab Magalona.”
“After a few days, she sent me this photo…nahanap nila yung polo and pumayag si Ma’am Pia ipa-auction yung polo ni Sir Kiko for Gab!!! [crying emoji],” patuloy niya.
Kamakailan lang ay ibinalita ni Chito na inilipat na sa regular hospital room si Gab matapos ma-confine sa Intensive Care Unit (ICU).
Gayunpaman ay kasalukuyan pa rin siyang nagpapagaling at nakikipaglaban sa cancer.
Matatandaan din na una nang nanawagan ang bokalista ng pinansyal na tulong dahil hindi na raw kinakaya ng pamilya ni Gab ang mga gastusin sa ospital.
Related chika:
Claudine Barretto nag-effort pa rin para sa birthday ni Rico Yan: I love you!
Gab Valenciano diagnosed bilang pre-diabetic; nais maging better para sa sarili
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.