Chito sa pag-abswelto kay Neri: Buti na lang alam ni Lord ang totoo

Chito sa pag-abswelto kay Neri: Buti na lang alam ni Lord ang katotohanan!

Ervin Santiago - March 04, 2025 - 12:30 PM

Chito sa pag-abswelto kay Neri: Buti na lang alam ni Lord ang katotohanan!

Neri Miranda at Chito Miranda

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng pamilya ng aktres at negosyanteng si Neri Miranda matapos ibasura ng korte ang lahat ng kasong isinampa sa kanya kaugnay ng umano’y investment scam.

Ipinost ng kanyang asawang si Chito Miranda ang official statement ng pagkaka-dismissed sa lahat ng reklamong inihain laban sa kanya ng mga complaintant.

Base sa official statement mula sa legal counsel ni Neri (FLO Attorneys), ibinasura na ng Pasay City Regional Trial Court ang lahat ng pending cases laban sa aktres.

Kabilang sa mga na-dismiss na kaso na isinampa sa Branch 112 ng Pasay RTC ang syndicated estafa, “Upon motion of the Office of the City Prosecutor of Pasay City, which found no probable cause to indict Miranda upon reinvestigation sought by her legal counsel.”

Nagpasalamat ang mga abogado ni Neri sa naging desisyon ng korte, “We thank the courts for clearing the name of Neri Miranda, who has unmistakably been falsely accused of wrongdoing in the Dermacare case.

“We hope that this issue will be put to rest as regards to Neri, so that instrumentalities of the law can focus on bringing the true perpetrators of the Dermacare scam to justice,” sabi pa sa opisyal na pahayag.

Sabi pa ng Acting Presiding Judge na si Ronald August L. Tan, “The private complainants never alleged being defrauded by (Miranda). More mind-boggling is that private complainants never asserted having personally transacted with or handed over money to (Miranda).


“Therefore, the evidence presented indeed fails to establish that (Miranda) committed the crime of Estafa, moreso, Syndicated Estafa.”

Ang isa pang complaint laban kay Neri kaugnay ng reklamong “violation of the Securities Regulation Code” ay ibinasura na rin base sa desisyon ni Acting Presiding Judge Gina M. Bibat-Palamos ng RTC Pasay City Branch 111.

Narito naman ang mensahe ni Chito sa pag-abswelto kay Neri na makikita rin sa Instagram page ng aktres.

“Thank You, Lord.

“Mabuti na lang talaga na alam ni Lord ang buong katotohanan kaya never Nya pinabayaan si Neri.

“Sobrang blessed din kami dahil the people who matter knew the truth as well, and did everything they could to help and support her.

“We are so thankful that she was eventually given the chance to defend herself, and her side of the story.

“Maraming maraming salamat po.

“Neri is such a kind and trustworthy person, and those who know her, know that. Alam din ng lahat na sobrang hardworking nya.

“Ang problema lang talaga minsan ay masyado syang mabait at matulungin, kaya madalas syang naaabuso, at napapahamak.

“Pero kahit ganu’n, sobrang proud ako because Neri would always choose to be kind and fair, no matter how mean and unfair the world is, and kahit ano ang ibato sa kanya ng mundo, her integrity, at ang kanyang mabuting pagkatao, will always be intact.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“To those who chose to stand up and defend my wife, maraming salamat talaga,” ang kabuuang pahayag ng bokalista ng Parokya ni Edgar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending