Chito Miranda umamin na, nainggit kina Ely Buendia at Rico Blanco

Chito Miranda umamin na, nainggit kina Ely Buendia at Rico Blanco

Ervin Santiago |December 28,2023
facebook
share this

Chito Miranda umamin na, nainggit kina Ely Buendia at Rico Blanco

Ervin Santiago - December 28, 2023 - 07:21 AM

Chito Miranda umamin na, nainggit kina Ely Buendia at Rico Blanco

Chito Miranda

DIRETSAHANG inamin ng OPM icon na si Chito Miranda na nainggit siya noon sa mga kapwa musikero na sina Ely Buendia at Rico Blanco.

Iyan ang naging rebelasyon ng Parokya ni Edgar frontman sa isa niyang Instagram post recently kung saan napa-throwback siya sa mga ginawa nilang gigs noon ng kanyang banda.

Nag-share si Chito ng ilang lumang litrato kasama ang iba pang miyembro ng Parokya ni Edgar na kuha sa isa nilang show ilang taon na ngayon ang nakararaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Nabanggit nga niya rito ang mga kaibigan niya at kapwa singer-songwriter na sina Ely Buendia ng Eraserheads at Rico Blanco ng bandang Rivermaya.

Aniya sa caption, “Eto yung mga panahon na nag-gigitara ako habang kumakanta.

“May time kasi na nainggit ako kay Ely at kay Rico kasi pareho silang nagi-gitara habang kumakanta, feeling ko sobrang cool lang nila…but I soon realized that it wasn’t for me,” sabi pa ng asawa ni Neri Miranda.

Baka Bet Mo: Troy nainggit kay Aubrey, naghubo’t hubad din sa pool

Nagbigay din siya ng mga dahilan kung bakit nasabi niya na hindi para sa kanya ang pagtugtog ng gitara.

“Una, hindi naman ako magaling mag-gitara, di tulad nila Ely at Rico.

“Pangalawa, na-realize ko na mas enjoy ako na kumanta lang na walang ibang ini-isip kundi kumanta at magtatatalon sa stage,” paliwanag ni Chito.

Sa comments section ng kanyang IG post, nag-iwan ng mensahe si Rico para kay Chito. Aniya, “Klasmeyt may time din na di ako nag gitara kasi nainggit naman ako sayo. Ang sarap nung di kailangan mag sound check.”

Samantala, nag-post din ang bokalista ng Parokya ni Edgar ng litrato ng kanilang banda na kuha sa show nila kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


May caption itong, “Last gig namin for 2023 kagabi…and kahit sobrang saya tumugtog, sobrang saya ko na natapos na at wala na kaming work for the rest of the year.

Baka Bet Mo: Ely Buendia inulan ng batikos matapos amining never naging ‘friends’ ang Eraserheads

“Mula nung nagka-anak ako, di na kami tumanggap ng mga Christmas and New Year Countdown gigs.

“Kahit gaano pa ka-tempting yung TF (pero minsan mapapa-isip ka talaga eh) mas pinili naming mag-relax at makasama mga pamilya namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala lang…just sharing. Merry Christmas po sa inyong lahat,” mensahe pa ni Chito Miranda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending