Rico Blanco first time naki-jam nang face-to-face matapos ang pandemya, naglabas ng bagong love song
MATAPOS matanggap ang prestihiyosong “Dangal Ng Musikang Pilipino” sa 36th Awit Awards para sa kanyang napakalaking kontribusyon sa Philippine music scene, ang Filipino alternative rock icon na si Rico Blanco ay naglabas ng bagong single.
Ito ang kanyang love song na pinamagatang “Sayong sayo (Papel, Gunting, Bato).”
Ayon kay Rico, tungkol ito sa pakiramdam na tila nanalo sa lotto matapos ang ilang pagsubok sa buhay at pag-ibig.
“The chorus hook came to me first, and I immediately felt it would be a really fun song to play live or at a party,” pagbabahagi ng batikang singer sa isang pahayag.
Ani pa niya, “I kept imagining everyone dancing and singing along. A fun party song.”
Baka Bet Mo: Rico Blanco mala-’sci fi’ ang peg sa bagong music video, sey ng fans: ‘Iba ka talaga mag-isip!’
Nakwento rin ng OPM veteran na ito ang kauna-unahang pagkakataon na naki-jam siya nang face-to-face kasama ang ilang kapwa-musician matapos ang pandemya.
Kabilang sa mga nakasama niya ay ang critically acclaimed producers/singer-songwriters Zild Benitez on bass and Tim Marquez on drums.
“Ang saya at sobrang bilis lang parang naglalaro lang kaming apat sa studio,” sey ng multi-awarded artist.
Dagdag pa niya, “Iba pa rin talaga mag-record ng magkakasama sa isang kwarto.”
Ang “Sayong sayo (Papel, Gunting, Bato)” ay isang follow-up single sa nauna niyang kanta na may titulong “Palibot-libot” na ni-release noong nakaraang taon.
Magiging parte rin ito sa kanyang bagong album na ilalabas sa susunod na taon.
Bukod sa mga kaabang-abang na releases ni Rico, makakasama niya sina Bamboo Manalac, Mark Escueta at Nathan Azarcon sa “Rivermaya: The Reunion concert” na mangyayari sa February 17, 2024 sa SMDC Festival Grounds sa Pasay City.
Available na ang tickets para sa nasabing show via SM Tickets website and outlets nationwide.
Ang bagong single naman ni Rico na “Sayong sayo (Papel, Gunting, Bato)” ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide via Sony Music Entertainment.
Related Chika:
Rico Blanco susugal sa pagko-concert muli sa Araneta Coliseum: I’m happy to take on that risk…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.