Birthday hirit ni Rico Blanco para kay Maris Racal: More adventures, more dates, more memories with you…
SHORT but sweet message ang handog na pagbati ng OPM veteran na si Rico Blanco para sa kanyang girlfriend na aktres na si Maris Racal na nag-celebrate ng birthday recently.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ni Rico ang ilang pictures at videos na makikitang sweet na sweet silang dalawa ng aktres.
Caption niya, “More adventures, more dates, more memories with you.”
“Happy birthday my sunshine my star [red heart emoji],” mensahe pa niya.
Baka Bet Mo: Rico Blanco super in love kay Maris Racal: Nakaka-happy yung vibe niya, it brings out the best in me
View this post on Instagram
Napakomento naman mismo si Maris sa nasabing post at sinabing, “At sinali mo pa talaga yung pic na away tayo [crying face emoji].”
Kilig overload naman ang maraming netizens sa celebrity couple at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Sarap ma-inlove [red heart emojis], alin kayang pic nag-away kayo, lahat naman ng pic ang sweet niyo [laughing face emoji].”
“Ito talaga yung entry na inaantay ko [red heart emojis].”
“Pag pic niyo ni Maris ang daming likes, ang daming positive comments at kilig sa inyo. Mamamatay na din ako sa kilig my favourite couple.”
“Ayiii! Eto talaga yung inaabangan ko! Happy birthday to you Mariz!”
Samantala, kasabay ng 26th birthday ni Maris ay nagpasabog siya ng hotness at kaseksihan sa social media.
Sa Instagram, ibinandera ng aktres ang serye ng posts kung saan makikita ang espesyal niyang photoshoots.
Makikita sa pictures na may pa-tan skin pa ang aktres habang suot-suot ang iba’t-ibang klase ng denim at leather outfits.
Caption niya sa isang post, “gotta fan myself off.”
View this post on Instagram
Tila napa-wow naman ang kapwa-celebrities kabilang na sina Janella Salvador, Janine Berdin, Alexa Ilacad, at marami pang iba.
May post isa pa siya post na ang nakasaad naman ay, “VIRGO SEASON ENDER”
View this post on Instagram
Bumuhos diyan ang pagkahumaling ng kanyang fans at narito ang ilan sa mga nabasa naming mga komento:
“Boooggssssh! Pasavogue Bday photoshoot [fire emoji].”
“Kabogera ng Nena namin, happy birthday queen!”
“Apaka ganda mo madam!! [fire emojis].”
Related Chika:
Rico Blanco mas naging open sa relasyon nila ni Maris Racal pero may ‘itatago’ pa rin sa publiko
Bakit walang plano sina Maris Racal at Rico Blanco para sa Valentine’s Day?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.