Rico nagpakilig sa pagbati kay Maris: Happy birthday Madam! Love you so much po! | Bandera

Rico nagpakilig sa pagbati kay Maris: Happy birthday Madam! Love you so much po!

Ervin Santiago |September 22,2021
facebook
share this

Rico nagpakilig sa pagbati kay Maris: Happy birthday Madam! Love you so much po!

Ervin Santiago - September 22, 2021 - 04:58 PM

Rico Blanco at Maris Racal

NAGPASABOG na naman ng kilig at good vibes sa social media ang celebrity couple na sina Rico Blanco at Maris Racal.

Pinusuan nang bonggang-bongga ng mga netizens ang paandar na birthday greeting ng OPM icon at songwriter para sa kanyang girlfriend na si Maris.

Ngayong araw, sa kanyang Instagram page, binati ni Rico ang actress-singer na tinawag pa niyang “Madam.”

Ipinost ng veteran singer-composer ang ilang litrato ni Maris na kuha mula sa pictorial ng bagong single nitong “Asa Naman”. May ibinahagi rin siyang sweet photo nila ng dalaga na siyang ikinakilig ng kanilang mga fans.

“Happy birthday madam. Love you so much po,” ang maikli ngunit punumpuno ng pagmamahal na caption ni Rico sa kanyang mga IG photos.

Bumuhos naman ang pagbati ng mga followers ni Rico kay Maris at halos lahat ay nagsabing bagay na bagay daw ang magdyowa kahit pa nga malayo ang agwat ng kanilang edad.

Sabi pa nga ng isang netizen, “Lord pls tulungan mo ako, hinimatay ako sa sobrang kilig. HBD inday mariz, we luv u.” 

Ilan naman sa mga celebrities na bumati kay Maris ay sina Ogie Alcasid, Chito Miranda at Ebe Dancel.

Samantala, ibinahagi naman ng Kapamilya young actress sa kanyang IG account ang mga bago niyang litrato na kuha ng celebrity photographer na si BJ Pascual bilang bahagi ng kanyang 24th birthday celebration.

Kung matatandaan, nag-duet sina Maris at Rico sa “ASAP Natin ‘To” sa kauna-unahang pagkakataon kung saan kinanta nila ang kanilang first-ever collaboration na “Abot Langit.” 

Pagkatapos ng kanilang performance, hiningan ng birthday message si Rico para kay Maris. Aniya, “Marami kang gustong gawin, narinig ko ‘yung mga bagong kanta niya, marami pa siyang ideas. So sana huwag kang ma-frustrate na medyo challenging ‘yung times ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Just continue enjoying what you do, because I think if you enjoy the process, you can dream whatever dream ang gusto mong marating,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending