Rico Blanco mala-’sci fi’ ang peg sa bagong music video, sey ng fans: ‘Iba ka talaga mag-isip!’ | Bandera

Rico Blanco mala-’sci fi’ ang peg sa bagong music video, sey ng fans: ‘Iba ka talaga mag-isip!’

Pauline del Rosario |February 24,2023
facebook
share this

Rico Blanco mala-’sci fi’ ang peg sa bagong music video, sey ng fans: ‘Iba ka talaga mag-isip!’

Pauline del Rosario - February 24, 2023 - 03:07 PM

Rico Blanco mala-’sci fi’ ang peg sa bagong music video, sey ng fans: ‘Iba ka talaga mag-isip!’

PHOTO: Instagram/@ricoblanco100

KAKAIBA at tila out of this world ang naging tema ng acclaimed singer-songwriter na si Rico Blanco sa inilabas na bagong music video.

Ang naging peg niya kasi sa bagong kanta na may titulong “Palibot libot” ay mala-extra terrestrial at mala-science fiction.

Mapapanood sa visuals ng music video ang kwento ng sangkatauhan sa isang mundo na tila walang pag-asa na kung saan ay pinagbibidahan ito mismo ni Rico at ng model na si Tuti Pon.

Ang robotic figure naman na tila katambal ng model ay nilikha ng direktor at production designer na si Richard Somes.

Ayon sa pahayag na inilbas ng Sony Music Entertainment, ang kanta ay patungkol sa patutunguhan ng isang pagkakaibigan at relasyon.

Tinatalakay din nito ang tila pagiging one-sided sa isang pag-ibig.

Ang kantang “Palibot libot” ay parte ng ikaapat na studio album ni Rico na malapit ng ilabas.

Tuwang-tuwa naman ang maraming fans sa bagong kanta ng singer at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“I can imagine a movie scene through this song ️[red heart emoji] another masterpiece!”

“Ganda ng MV! iba talaga mag-isip ang isang Rico Blanco. The best talaga!”

“Very artfully done! Thanks for blessing us with beautiful music elevating OPM and slowly breaking the walls that separate us from the global stage.”

Matatandaang noong Setyembre lamang ay huling nagkaroon ng concert si Rico.

Nakasama niya on stage bilang special guests ang sikat na OPM artists na sina Zild Benitez at Ebe Dancel.

Related chika:

Paulo vs. Piolo bardagulang acting showdown sa ‘Flower of Evil’; matinding labanan sa pagka-best actor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine Samonte kakaiba ang maternity shoot; umaming nag-breakdown

Rico Blanco: Hindi ako nahihiyang aminin talaga na all these years I love to act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending