Nadine Samonte kakaiba ang maternity shoot; umaming nag-breakdown | Bandera

Nadine Samonte kakaiba ang maternity shoot; umaming nag-breakdown

Therese Arceo - October 06, 2021 - 06:23 PM

KAKAIBA ang naging pictorial ng preggy yet pretty momma na si Nadine Samonte.

Imbes kasi na sexy at fierce ang kaniyang look ay simple yet elegant pa rin ang dating aktres kahit na napalilibutan siya ng sandamakmak na injections, ultrasound, bills, at mga reseta.

“I chose to have a pictorial like this because lahat ng injections, bills, reseta, gamot lahat ng nakapalibot sa akin is the reality of having APAS and PCOS.

“I love being pregnant kahit mahirap kasi blessing ni Lord iyo and I’ll be forever grateful na biniyayaan pa kami ng isa pa. Thank you Lord,” pagbabahagi nito sa kaniyang Instagram account.

Hindi naman kaila sa madlang pipol na naging journey ni Nadine Samonte sa pagbubuntis dahil na rin sa kaniyang karamdamang APAS at PCOS.

Aware daw siya na matapos niyang i-post ang kaniyang mga litrato ay aani siya ng mga kanegahan mula sa mga bashers at sasabihing tumaba siya pero wala na raw siyang pake sa mga ito.

“One thing I learned is hindi dapat magpaapekto sa mga taong nagsasabi ng negatve sa atin lalo na we are all doing this for our baby.

“Ang dami kong pinagdaanan sa pagbubuntis ko and lahat ng ito super worth it. Madami gusto magkaanak at isa ako sa pinagpala kaya iniingtan ko ito,” sey ng dating aktres.

Dagdag pa niya, ‘wag na ‘wag mawawalan ng pag-asa ang mga couples na gustong magkaanak dahil paniguradong ibibigay ito ni Lord sa tamang panahon.

Ibinahagi rin nito kung sino ang kaniyang doktor at immunologist pati na rin ang mga gamot na kaniyang iniinom para na rin siguro maging reference sa mga mommies na kapatehas niya ng lagay.

“Every 10 days is my checkup. Every month kinukuhanan ako ng dugo to monitor my KCT, DRVVT and APTT (for my blood) and another checkup for monitoring of my complete cbc ,cholesterol etc. Every month i also do rt pcr to make sure that im okay,” pagpapatuloy niyo,

Amin niya, nade-depress daw siya ngunit hindi niya alam ang dahilan. Sa katunayan, nitong nagdaang linggo lang ay nag-breakdown siya.

“Very unusual for me kasi sa 2 kids ko hindi ako nagkaganun pero i overcame it. Ang hirap ng feeling ng hindi mo alam kung anu nangyayari sayo pero with the help of the Lord, my husband,my mom and my mom-in-law they helped me kaya ako nakablik sa sarili ko.

“It’s hard pero here I am getting stronger each day and excited sa pag dating ng bunso namin,” saad nito.

Marami naman ang humanga sa tapang at lakas ni Nadine a patuloy na lumalaban para sa sarili at para sa kaniyang little girl.

“You are so beautiful Nadine! God protect you and your family esp your little beanie inside of you so much more,” comment ni Nikka Garcia na recently lang ay ipinanganak ang kanilang baby Enrique ni Patrick Garcia.

“You are AMAZING,” sey naman ng soon to be bride na si Carla Abellana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa panahon ngayon ay talagang mas mahirap ang pagdadalangtao dahil sa pandemyang nakakadagdag sa anxiety ng mga buntis.

Kaya dapat talaga ay extra understanding at dapat ay may pangmalakasang support system ang mga preggy moms para labanan ang kanilang anxiety at depression.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending