Rico Blanco nag-propose na pero tinanggihan daw ni Maris Racal?
TRULILI kaya na ang major reason kaya naghiwalay sina Maris Racal at Rico Blanco ay dahil nagyaya na raw ang huli na magpakasal?
Kung totoo ito ay hindi rin naman imposible dahil edad 51 na si Rico at gusto na nitong bumuo ng pamilya.
Pero si Maris ay edad 27 at ang dahilan nga niya kaya siya nakipaghiwalay kay Rico ay dahil marami pa siyang gustong mangyari sa buhay at sa karera niya.
Katwiran ng singer-actress, “Maybe I turned to the next page. I saw a new perspective sa life. I had visions sa who I want to become, how I want to evolve. I’m so curious about the world.
“And the truth is, I am going through changes. And alam naman natin yun na changes either good or bad. What I hate about changes that it’s inevitable.
“Hindi mo siya matatakasan and wala ka nang ibang gawin kundi you have to face it and confront it.It’s been at the back of my head,” aniya.
Baka Bet Mo: Rico Blanco hinamong magsalita sa ‘pagtataksil’ daw ni Maris Racal
View this post on Instagram
Anyway, kaya namin naisulat na baka ang planong mag-settle down ni Rico ang dahilan ay dahil naikuwento ito ng lalaking Marites na si Xian Gaza sa kanyang Facebook live kagabi.
Aniya, “Nag-break sila sa kadahilanang gusto nang mag-settle down nu’ng matanda (Rico). Hindi ko alam kung ano ‘yung tunay na eksena, ayaw kong magmagaling, ayaw kong magbida-bida. Ayaw kong lang magkamali, kaya careful ako sa mga binibitawan ko kasi pag nagkamali ako hindi na kayo maniniwala.
“Hindi ko alam kung totoong nag-propose tapos na-reject, hindi ko alam kung lumuhod, hindi ko alam kung nagbigay ng singsing tapos sinabihan ng ‘no’. Hindi ko alam kung napag-usapan na ang kasal (when), basta napag-usapan ang settle down tapos ending, umatras si girlalu (Maris).
“Tapos pag-atras ginamit niya itong opportunity para maka-exit (sa relasyon nil ani Rico) kasi exit na exit na siya (Maris). At heto na, ginaslight na niya ang matanda at (sinabi raw ni Maris), ‘I want space,’” sabi pa.
May isa pang kuwento si Xian Gaza na nagkaroon na rin ng diskusyon dati sina Maris at Rico dahil may nagawang pagkakamali ang singer-actress pero nagkaayos silang muli.
Sabi pa ni Gaza, “Timeline of the affair based sa ating legit source na HMUA, ano ba ‘yung hmua, ah hair and make up artist. Meron silang series I’m not quite sure about it kung anong series ‘yun.
“But nagsu-shoot pa lang sila meron ng mga lihim na pagtatagpo at nagaganap behind Rico, meron ng mga intimacies na nagaganap outside the camera.
“In short sila pa ni Rico at sila pa nu’ng ex-girlfriend, nagsisimula pa lang ‘yung shoot ng series or in the middle may affair na,” sabi ni Gaza.
Nakuwento rin ng lalaking tsismoso ang tungkol sa neck pillow na suot nina Maris at Anthony habang magkatabi sila sa eroplano noong patungo sila o pabalik mula Milan, Italy kung saan sila nag-shoot ng bago nilang online series.
“Ito ang hindi ko maunawaan nasa eroplano kayo (sabay muwestra sa suot ng neck pillow) hindi ko (maintindihan) bakit kailangan n’yo mag-selfie habang nagki-kiss? Habang nagki-kiss at nagse-selfie, may neck pillow? Hindi man lang ninyo inalis ang neck pillow?
“Normal ba ‘yun sa mga magdyowa at mag-asawa? Ang kapal ng neck pillow tapos ki-kiss ka ng ganu’n (muwestra). Unang-una may ginagawa na kayong mali tapos magse=selfie pa kayo?” nailing kuwento ni Xian.
At ang dahilan daw kaya hindi binubura ni Jennings ang conversations nila ni Maris, “Gawain pala niya ‘yun (Anthony) hindi natin alam kung para saan niya gagamitin in the future kapag hiniwalayan siya. Kasi di ba kung tayo ay may (tunay) dyowa bakit hindi mo dini-delete ang conversations natin?
“And I found out from these two women na ‘yung conversation nila with Boy Cheater ay nakatago rin lahat at ginamit agains them kaya hindi sila nakapagsalita. Kaya doon natin maiisip na bakit hindi deleted lahat?” dagdag ni Gaza.
Anyway, inaabangan ng media sina Anthony at Maris sa mediacon ng pelikulang kasama sila ni Vice Ganda para makunan ng pahayag tungkol sa inilabas na conversations ng ex-girlfriend ng aktor pero hindi sila pinadalo ng production.
Bukas ang BANDERA para sa panig ng mga sangkot sa isyu o ng kanilang kampo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.