‘Liwanag sa Dilim’ musical may extra shows pa, magtatapos na sa May 4

PHOTO: Instagram/@9workstheatrical
DAHIL sa sobrang dami ng gustong manood ng kakaibang visual-musical adventure, nagdagdag pa ng huling extension ang 9 Works Theatrical para sa hit original Filipino musical na “Liwanag sa Dilim!”
Kabilang sa bagong schedule ang May 3 (Sabado, 8 PM) at ang pinakahuling show ay sa May 4 (Linggo, 3 PM).
Ito na ang last chance para masilayan ang rebolusyong bumubuhay sa mga kanta ng OPM legend na si Rico Blanco!
Nauna na itong napanood ng BANDERA at tinitiyak namin na dadalhin ka ng “Liwanag sa Dilim” sa isang kakaibang musical experience, bukod sa punong-puno ito ng damdamin, aksyon, at may astig na production design.
Ito ay idinirek ni Robbie Guevara na tungkol sa isang orphang si Elesi na naglalakbay upang tuklasin ang mga sikreto ng kanyang nakaraan.
Baka Bet Mo: REVIEW: ‘Liwanag sa Dilim’ walang katulad, winner ang visuals, istorya
Makikilala niya si Cris, na magiging kakampi sa laban para sa hustisya at pagbabago.
Ang mga bida sa entablado ay sina Khalil Ramos, Anthony Rosaldo, CJ Navato, Vien King, Alexa Ilacad, Nicole Omillo, Rita Daniela, at Neomi Gonzales.
Narito ang nalalabing show dates sa CPR Auditorium, RCBC Plaza sa Makati City: April 26 & May 3 (Sabado – 3 PM & 8 PM); April 27 & May 4 (Linggo – 3 PM)
Para sa tickets, pumunta lang sa www.ticket2me.net/LiwanagSaDilimMusical o makipag-ugnayan sa 9 Works Theatrical: 0917 554 5560 / 7586 7105.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.