Rico Blanco hinamong magsalita sa 'pagtataksil' ni Maris Racal

Rico Blanco hinamong magsalita sa ‘pagtataksil’ daw ni Maris Racal

Ervin Santiago - December 04, 2024 - 11:41 AM

Rico Blanco hinamong magsalita sa 'pagtataksil' daw ni Maris Racal

Anthony Jennings, Maris Racal at Rico Blanco

ABANGERS ngayon ang madlang pipol sa magiging pahayag ni Rico Blanco sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Maris Racal.

Ito’y may konek pa rin sa umano’y pagtataksil ni Maris kay Rico at ang panloloko raw ni Anthong Jennings sa kanyang ex-girlfriend na si Jam Villanueva.

Ikinagulantang ng mga netizen ang inilabas na mga ebidensiya ni Jam na magpapatunay sa pagtsi-cheat sa kanya ni Anthony at ang paglalandi at pagpatol umano ni Maris sa aktor.

Trending at viral pa rin ngayon ang pangalan ng magka-loveteam sa social media. Sandamakmak na memes na ang nagkalat ngayon sa socmed partikular na ang linyang, “Smoke then f*ck…I’ll touch myself na lang”.

Baka Bet Mo: Maris Racal trending sa ‘Smoke then f*ck, I’ll touch myself na lang’

Isa umano ito sa dialogue ni Maris kay Anthony base sa inilabas na screenshot ni Jam mula sa palitan ng mensahe ng dalawang Kapamilya stars.

Bukod pa diyan, bukambibig na rin ng netizens ang mga salitang “that was hot”, “U miss my body?”, “Ugh yung amoy ng sweater mo”, “You look so tired i wanna baby you” at “I want baby kisses” na makikita rin sa screenshot ng alleged convo nina Maris at Anthony.


Sirang-sira ngayon ang magka-loveteam dahil sa mga pasabog ni Jam. Kaliwa’t kanan ang pambabatikos sa kanila ng mga social media users at talaga namang puro masasakit na salita ang ibinanato sa kanila ngayon.

Pero sa gitna nga ng kontrobersyang ito, hinahanap ng mga Marites ang ex-boyfriend ni Maris na nananatiling tahimik at mukhang wala namang balak makisawsaw pa.

Naniniwala naman ang fans ni Rico na bak hindi na ito magsalita para hindi na madiin pa ang kanyang dating dyowa lalo pa’t negang-nega siya ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May ilang netizens naman ang naghamon kay Rico na magsalita na tungkol kina Maris at Anthony para magkaalaman na at para na rin sa ikatatahimik nilang lahat.

Sa isang fan account, nabasa namin ang post na ito tungkol kay Rico, “Even after his breakup with Maris Racal, he never spoke ill of her or exposed her, no matter what happened.

“Instead, he chose to protect her and rise above with grace and dignity.” The post quickly garnered attention, with many praising Blanco for setting an example of maturity and respect.

“Blanco’s actions have resonated deeply, especially in an era where public figures often face intense scrutiny and criticism.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“By refusing to add fuel to the fire, he has demonstrated a rare commitment to handling personal matters privately and with dignity.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending