Yearend 2024: Walang forever...9 trending hiwalayan sa showbiz

Yearend 2024: Walang forever…9 trending hiwalayan sa showbiz

Ervin Santiago - December 30, 2024 - 02:47 AM
Yearend 2024: Walang forever...9 trending hiwalayan sa showbiz

“WALA talagang forever!” Yan ang nagkakaisang hirit ng mga netizens sa sunud-sunod na hiwalayan ng mga kilalang magdyowa sa mundo ng showbiz.

Sa pagtatapos ng 2024, balikan natin ang mga celebrity couple na pinagtagpo pero mukhang hindi talaga itinadhana para sa isa’t isa.

Kahit pa nga ang mga magkarelasyon na taon na ang binibilang at engaged pa nga ang iba ay biglang maghihiwalay dahil sa iba’t ibang rason. Narito ang 9 na magdyowa na hindi nabiyayaan ng “forever”. Pero malay  naman natin, baka mabigyan naman sila ng second chance pagdating ng tamang panahon.

Jericho at Kim

1. JERICHO ROSALES & KIM JONES

Pagpasok pa lang ng January, 2024 ay usap-usapan na ang breakup ng dating mag-asawa. Walang direktahang pag-amin mula sa dalawa pero ayon sa kanilang ninong sa kasal na si Ricco Ocampo, 2019 pa raw sila naghiwalay.

But in fairness, maayos ang paghihiwalay nina Jericho at Kim at nananatili pa rin silang magkaibigan. Sa ngayon, maligaya na si Echo sa piling ng aktres na si Janine Gutierrez na co-star niya sa Kapamilya series na “Lavender Fields.”

Bea at Dominic

2. BEA ALONZO & DOMINIC ROQUE 

Shookt ang sambayanang Filipino nang biglang maghiwalay ang dating magdyowa ilang linggo lamang pagkatapos nilang ibandera ang kanilang engagement.

“After much thought, consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement. It was not an easy decision. We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.

“Unfortunately some even confirmed out breakup without our consent, created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families.

“We sincerely request for everyone to kindly spare us from more cruel and very hurtful words thrown on social media,” they said. “We kindly request to give us the privacy we need as we navigate our future lives with respect, kindness, compassion, and dignity,” ang joint statement nina Bea at Dominic.

Recently lang ay inamin ni Dom na nagde-date na sila ng aktres na si Sue Ramirez.

Sam at Catriona

3. SAM MILBY AT CATRIONA GRAY

Ikinagulat din ng lahat ang breakup ng engaged couple dahil talagang inakala na ng lahat na sa kasalan na rin mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

Nag-start ang pagkalat ng chika na hiwalay na ang dalawa nang mapansin ng netizens na hindi suot ng beauty queen at host ang kanyang engagement ring.

February, 2024 nang mag-issue na ang talent agency nina Sam at Catriona at isinapubliko ang pinagdaraanang pagsubok ng  kanilang dalawang artists.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.

“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple,” ang official statement

Until now ay hindi pa alam ng publiko kung ano talaga ang rason ng kanilang hiwalayan pero ayon sa isang source, hindi pa raw talaga handa si Catriona na mag-asawa at bumuo ng sariling pamilya.

Sarah at Richard

4. RICHARD GUTIERREZ & SARAH LAHBATI

Nagsimulang kumalat ang chikang nagkanya-kanya na ng landas ang estranged couple sa huling bahagi ng 2023. Pagsapit ng February, 2024, kinumpirma nga ng aktres ang breakup.

Sa isang interview, natanong si Sarah kung totoong single na siya ngayon sa gitna ng mga chikang wala na sila ni Richard.

Sagot ni Sarah, “Yeah. I mean, there’s nothing to hide and I think it’s pretty clear to the public that both of us are (single).”

Priscilla at John

5. JOHN ESTRADA AT PRISCILLA MEIRELLES

WALA mang diretsahang pag-amin ang mag-asawa, mukhang tuluyan na ngang nawasak ang kanilang married life base na rin sa mga ipino-post ni Priscilla sa social media. Ito’y dahil sa umano’y pambababae pa rin ni John.

Nagsimulang kumalat ang chikang may marital problems sina John at Priscilla nang bumandera sa socmed ang litrato ng aktor noong July, 2024 na kuha sa isang resort sa Boracay.

Solo lang si John sa litrato pero ang tanong ng mga Marites — sino ang kumuha sa kanya. Sinagot naman sila ni Priscilla ng, “Si @Lily Hallman_.” Dinenay ni John na may relasyon sila ng naturanf girlalu.

Naglabas ng statement si John about their marital status at sinabing napagkasunduan nila ni Priscilla “to take a break” mula sa kanilang pagsasama pero kimontra agad ito ng former beauty queen.

“To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time.

“While there is indeed more to this story, it is not the appropriate time to delve into those details. Regardless of what those may be, however, it won’t change the course of faith.”

Maris at Rico

 

6. RICO BLANCO & MARIS RACAL

Umiiyak na in-announce ng controversial Kapamilya actress na break na sila ng singer-songwriter at OPM rock icon sa presscon ng Star Magic last July 12. Aminado si Maris na hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya at nauwi rin sa hiwalayan ang limang taon nilang relasyon.

Mabilis din niyang itinanggi na ang ka-loveteam niyang si Anthony Jennings ang naging sanhi ng pagkasira ng relasyon nila ng award-winning singer-composer.

“Rico and I are over. I’m so scared, I’m really scared. Ang dami kasing tanong about him and I am tired of smiling and nodding. I’m so scared because If I announce it, it’s real.

“It’s fresh. It’s been few weeks and it’s been loneliest, emptiest weeks I experienced in my life,” ani Maris kasunod ng pagtanggi na hindi si Anthony ang dahilan ng kanilang breakup.

Javi at Sue

7. JAVI BENITEZ & SUE RAMIREZ

After five years, minalas din ang relasyon ni Victorias City Mayor Javi Benitez at ng actress-singer na si Sue Ramirez.

Inakala ng lahat na sa kasalan din mauuwi ang pagmamahalan ng dalawa pero mukhang nagkaroon ng problema sa kanilang pagsasama. May chika na hindi raw umano boto ang pamilya ni Javi kay Sue.

“For the last five years, as Inday Sue and Toto Javi, two Negrosanons from different worlds, we built a world of our own. It was full of love, dreams, laughter, and all the ups and downs in a relationship where you shared your life with someone. There were no outside forces, just two hearts finding their way together.”

“Four months have passed since our paths quietly and respectfully went their separate ways.

“I look back with so much gratitude for the smiles, the laughter, and all the little joys we shared. Sue is a beautiful soul, a gem in the entertainment world, a true talent that showed me that love can be both fierce and gentle.

“I wish her nothing but happiness and the love she deserves. Here’s to those good times, held close to my heart and to grace of whatever lies ahead.

“I hope she continues to share her God-given talent with many more, touching lives as she has touched mine.”

Sa ngayon, exclusively dating na ang relationship status nina Sue at Dominic Roque.

Ai Ai at Gerald

8. AI AI DELAS ALAS & GERALD SIBAYAN 

Sino ba ang hindi masasaktan kung hiwalayan ka na lang bigla ng iyong asawa sa pamamagitan ng chat at text? Yan ang ginawa ni Gerald kay Ai Ai makalipas ang halos isang dekadang pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umiiyak na inamin ng Comedy Queen sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong November 11 na iniwan na siya ni Gerald,
“Hiwalay na kami. Last month pa. Basta hindi ko makakalimutan. October 14, nag-chat siya, madaling araw sa Pilipinas. ‘Yun nga. Sinabi niya na gusto niya magkaanak at hindi na siya happy.”

Ramdan ni Ai Ai na may ibang babae si Gerald, “Ramdam ko meron. Gut feel. Pero it doesn’t matter naman kung mayro’n o wala na. Kasi nu’ng sinabi niya na firm na siya sa kanyang decision, wala na naman akong ilalaban, ‘di ba?”

Jam at Anthony Anthony at Maris

9. ANTHONY JENNINGS & JAM VILLANUEVA / ANTHONY JENNINGS & MARIS RACAL

Ilang araw ding naging headline at hot topic ng mga Marites all over the universe ang nakakalokang breakup ni Anthony at ng kanyang non-showbiz dyowang si Jam.

Matapos aminin ni Anthony na tinapos na nila ni Jam ang ilan taon nilang relasyon, biglang bumuwelta ang girl at inilantad ang umano’y ginawang panloloko sa kanya ng aktor at ni Maris.

Ipinost ni Jam ang mga screenshots ng mga convo ng magka-loveteam sa kanyang Instagram story, kung saan mababasa ang kanilang paglalandian at paghaharutan — patunay ng kanilang pagtataksil sa kani-kanilang partner.

Kasunod nito, naglabas ng official statement sina Maris at Anthony at nag-issue ng public apology.

“Today I will take the accountability for everything. Nagkamali ako and I want to say sorry for everything that I have done,” ani Maris.

Sabi naman ni Anthony, “Sa lahat ho ng mga taong nasaktan ko especially sina Maris at Jam, humihingi po ako ng tawad sa dalawang babae. And sa lahat po ng mga nadamay ko rin po. ‘Yon lamang po, sorry po ulit.”

Yearend 2024: Walang forever...9 trending hiwalayan sa showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending