Regine Velasquez sa pagiging breadwinner: Hindi ‘yon forever
AMINADO ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na pinagdaanan rin niya ang pagiging breadwinner noong siya ay nagsisimula pa lang sa mundo ng showbiz.
Sa kanyang nagdaang guesting sa “It’s Showtime” nitong Biyernes, December 13 kung saan siya ang naglaro sa segment na “And The Breadwinner Is” ay nausisa siya kung isa ba siyang breadwinner ng pamilya.
“Oo, [naging breadwinner ako] for a looong time, bata pa lang… mga 11 years old,” pagbabahagi ni Regine.
Dagdag pa niya, “Mahirap lang kasi ang family ko kaya kailangan ng konting tulong. And since I have this voice, ginamit ko to help my family.”
Baka Bet Mo: Regine Velasquez ‘di na keri makipagsabayan sa mga batang singers
View this post on Instagram
Chika pa ni Ogie Alcasid, asawa ni Regine, madalas daw nilang maging topic ang mga karanasan noon ng singer-actress.
May mga pagkakataon raw na hindi na niya namamalayan ang unti-unting paglaki ng kanyang mga mahal sa buhay dahil abala siya sa kakatrabaho.
Aminado siya na nang ma-realize niya na hindi na sia updated sa pamilya ay nakaramdam siya ng lungkot kaya simula noon ay nagtakda siya ng araw kung saan magde-date silang pamilya.
Pinuri naman ni Regine ang kanyang pamilya dahil talagang na-recognize ng mga ito ang kanyang mga sakripisyo para makatulong kaya bilang kapalit ay talagang alagang-alaga siya ng mga ito.
“Alam mo, mababait ang mga kapatid ko kasi sobra nilang na-recognize ‘yung sacrifice na binagay ko o ginawa ko for them. Ako ang naging bunso. Sobra akong spoiled sa mga kapatid ko… They really take care of me like in my career now. My manager is my sister. Tapos ‘yung PM ko, kapatid ko rin tapos pinsan ko. So lahat sila,” kuwento ni Ate Reg.
Spluk pa ni Regine, ang kanyang greatest achievement sa buhay ay ang napag-aral niya ang mga kapatid.
Pero ngayong may sarili na siyang pamilya ay hindi na siya ang kanilang breadwinner.
Kaya naman nagbigay mensahe si Regine para sa kanyang mga kapwa breadwinner.
“Sa mga breadwinner, gusto kong sabihin sa inyo na natatapos dapat ‘yon. Hindi ‘yon forever.‘Pag nakatulong na kayo, tapos na. Iisipin n’yo ‘yong sarili n’yo na.
“Natatapos siya. Hindi pwedeng hindi. You have to give yourself time to also grow na as a normal human being. Hindi pwedeng ikaw lahat ang may responsibility,” saad ni Regine.
Dagdag pa niya, hindi raw responsibilidad ng mga anak ang maging breadwinner.
“I was not obligated to, pero nakita ko kasi ‘yong sitwasyon namin, e […] Binigyan ako ng maraming pagkakataon, so tumulong ako.
“Pero hindi, never naging responsibility ng anak maging breadwinner. Because it’s the parents’ responsibility [na] buhayin ‘yong anak mo,” giit pa ni Regine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.