Kakai sa mga breadwinner: Kapag hindi ka masaya, mauubos ka!

Kakai sa mga breadwinner: Unahin ang sarili…Kapag hindi ka masaya, mauubos ka!

Pauline del Rosario - March 17, 2025 - 05:47 PM

Kakai sa mga breadwinner: Unahin ang sarili…Kapag hindi ka masaya, mauubos ka!

PHOTO: Instagram/@ilovekaye

MAY paalala ang actress-comedienne na si Kakai Bautista para sa mga kagaya niyang breadwinner.

Ayon sa kanya, dapat unahin muna ang sariling kasiyahan bago tumulong sa pamilya.

Ang topic na ‘yan ay napag-usapan sa latest episode ng “Your Honor” na pinangungunahan nina Boboy Villar at Tuesday Vargas.

Una nila tinalakay ang pagiging single at diyan naipasok ni Kakai ang pagiging breadwinner ng pamilya.

“Sa totoong buhay ‘yung mga single, ‘yan ‘yung breadwinner na hindi na nakapag-asawa dahil nagsilbi sa magulang, sa mga kapatid,” bungad niya.

Baka Bet Mo: Kakai: Hindi lahat ng babae pangarap magka-boyfriend, at hindi lahat ng babae gustong mag-asawa at magkaanak!

Sinabi rin ng komedyana na choice ang pagiging breadwinner, pero kailangang may limitasyon.

“So sa aking experience, ‘yung gusto kong bilhin, nabibili ko na. Dati kasi bigay lahat eh. Natuto na kasi ako na kung ano ‘yung sa akin, akin lang,” sey niya.

Patuloy ni Kakai, “Lahat tayong mga breadwinner, sobrang mahal natin ang pamilya natin. Pero nakakalimutan talaga natin ang mga sarili natin. Kaya lagi kong sinasabi sa mga posts ko, kapag breadwinner ka, sarili mo muna.”

“Kailangan mong intindihin ang sarili mo, kailangan mong pasiyahin ang sarili mo. Bakit? Napakahirap maging breadwinner. Kapag hindi ka masaya, mauubos ka bes!” paliwanag niya.

Dagdag niya pa, “Kailangan may reward ka kahit siopao man lang ‘yan, mani, o hopia.”

Kasunod niyan ay inalala niya ‘yung time na napagod siya sa pagiging breadwinner ng pamilya.

“One time kasi hindi na ako masaya sa pagiging breadwinner, pagod na pagod na ako. Pero nu’ng binigyan ko ‘yung sarili ko ng limit, naging mas masaya akong magbigay,” kwento niya.

Lahad pa niya, “Mas masarap magbigay kapag masaya kang nagbibigay sa sarili mo, lalo na kapag breadwinner.”

“Kaya dapat ang breadwinner talaga, intindihin muna ang sarili. Pero dapat responsible, may matitira,” aniya pa.

Nauna nang nabanggit ni Kakai sa parehong panayam na super happy and contented siya ngayon sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matagal na siyang single, pero hindi naman daw siya atat na atat na magka-boyfriend dahil feeling niya ay okay naman ang takbo ng kanyang personal life.

“Ngayong ko lang nae-enjoy ‘yung time ko for myself. Ngayon ko nae-enjoy ‘yung pera ko, ngayon ko nae-enjoy ‘yung buhay ko,” pagmamalaki niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending