Maris nakiusap sa netizens, Rico Blanco huwag batikusin
ISANG hiling ang ipinarating ng Kapamilya star na si Maris Racal sa mga netizens matapos ang kanyang kumpirmasyon tungkol sa hiwalayan nila ng singer-songwriter na si Rico Blanco.
Matatandaang nitong Biyernes, July 12, inanunsyo na ng aktres na nag-break na sila ni Rico na siyang bumigla sa lahat ng mga tagasuporta nilang dalawa.
Bagamat hindi na inilahad ni Maris ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay, inamin nito na ang mga nakalipas na linggo ang “lonliest and emptiest weeks” ng kanyang buhay.
“Well.. wala akong short answer for it. Hindi ko rin siya malabas na isang statement lang kasi hindi ganoon kadali. Hindi ganoon kadali [kasi] sobrang complicated niya… ng situation.
Baka Bet Mo: Maris Racal kumpirmadong hiwalay na kay Rico Blanco: I’m so scared…
View this post on Instagram
“Rico and I, our universe was so beautiful. It was so full of love, laughter, and music, everything. Sa 5 years namin together, we are always on the same page, always on the same page. And I don’t know what happened to that,” pagbabahagi ni Maris.
Sa kabila ng pangyayari ay nakiusap ang dalaga na sana ay huwag i-bash ang dating karelasyon.
“This is the only time I will talk about it. Since while we’re at it, I would like to humbly ask the public to look at us, Rico and I, with understanding and love because we’re both grieving,” pakiusap ni Maris.
Bagamat alam niyang hindi naman niya mako-control ang pagbibigay ng opinyon ng madlang people, nakiusap siya na huwag i-hate si Rico.
“Hindi naman mako-control yung mga opinyon ng tao, but please don’t direct your hate towards Rico because he’s too precious for that. If you guys are ready to throw some punches, I’m willing to take them,” dagdag pa ni Maris.
Nilinaw rin ng dalaga na walang kinalaman ang kanyang current ka-love team na si Anthony Jennings sa kanilang paghihiwalay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.