Paulo vs. Piolo bardagulang acting showdown sa 'Flower of Evil'; matinding labanan sa pagka-best actor | Bandera

Paulo vs. Piolo bardagulang acting showdown sa ‘Flower of Evil’; matinding labanan sa pagka-best actor

Ervin Santiago |July 24,2022
facebook
share this

Paulo vs. Piolo bardagulang acting showdown sa ‘Flower of Evil’; matinding labanan sa pagka-best actor

Ervin Santiago - July 24, 2022 - 07:48 AM

Paulo Avelino, Piolo Pascual at Lovi Poe

SIGURADONG bonggang-bonggang action showdown ang magaganap sa Kapamilya series na “Flower of Evil” sa pag-eksena ng karakter ni Paulo Avelino.

Abangers na ang mga fans sa mas kapana-panabik na “Flower of Evil” matapos pagkaguluhan sa social media ang sorpresang pag-anunsyo ng misteryosong karakter ni Paulo Avelino.

Ikinatuwa ng netizens ang pagkakasama ni Paulo sa serye nina Lovi Poe at Piolo Pascual dahil siya raw ang “perfect choice” bilang ang “tunay na Jacob Del Rosario.”

Si Paulo ang totoong nagmamay-ari ng kanyang identity na ngayon ay ginagamit ng karakter ni Piolo.

Masaya si Paulo na mapabilang sa serye, ngunit inamin niyang nahirapan siyang bigyang buhay ang kakaiba niyang karakter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paulo Avelino (@pauavelino)


Si Jacob kasi ay may misteryosong sikreto at kasalukuyang naka-coma sa isang tagong kwarto sa bahay ng kanyang mga magulang.

“I feel honored to do this project because it’s the first remake. I’m happy that they’re excited to see me do Jacob Del Rosario.

“Pero personally, hindi ko masasabi na ako ‘yung perfect choice pero tinatrabaho natin para mag-work. Sana makita niyo ‘yung gawa namin,” pahayag ng aktor.

Dapat abangan ng viewers kung ano ang naging atake ni Paulo sa kanyang karakter, lalo na’t iba ito sa lahat ng mga karakter na ginampanan niya noon.

“I think it’s different from anything that I’ve done before. Actually nu’ng in-offer sa akin ‘yung role, may nakita akong kakaiba na pwede ko ring gawing kakaiba. Kapag medyo kakaiba ‘yung ginagawa, nagiging bago para sa akin at doon ako naa-attract,” kuwento pa ng binata.

Ipinasilip na ng serye ang ilang mga eksena ni Paulo bilang si Jacob, kaya naman sabik na sabik na silang mapanood ang mga susunod na rebelasyon.

“OMG si Paulo talaga ang best choice! Iba talaga pag ABS ang nag-isip! Sila lang talaga ang malakas!” komento ni Gidget Howser.

“The look. The awra. Paulo, you’re gonna nail this one. I know. Mas lalo akong natakot,” tweet ni @belleeynabsnabs.

“Paulo will do it again! Trust me he will deliver again in this role, even above and beyond expectations. Psychopath roles are one of his forte,” ayon naman kay Jace Anne Castri Recto.

Sa pagdating ni Paulo sa serye, sigurado kaming pangbardagulang aktingan ang mangyayari sa pagitan nila ni Piolo at ngayon pa lang ay sinasabi na namin na matindi ang magiging labanan ng dalawa sa pagka-best actor sa susunod na awards season.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Subaybayan ang “Flower of Evil” sa Viu tuwing Huwebes at Biyernes, 8 p.m., at sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at A2Z tuwing Sabado at Linggo, 9 p.m..

Piolo, Lovi perfect tanden sa ‘Flower of Evil’; pilot episode ‘ang lupet, super intense’

Big deal para kay JC de Vera ang mapasama sa cast ng ‘Flower of Evil’; may 2 pelikula pa katambal sina Janine at Alex

DonBelle hindi lang basta pakilig sa ‘He’s Into Her,’ level-up ang akting: It’s not a joke, nakaka-drain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending